"Tito Regi, mauna na ako," tapik niya na lamang sa tiyo habang papatayo sa upuan. Naroon na ang bahagynag tama ng alak sa kanya dahil sa dami ng ininom nilang magtiyo. "Are you sure you can drive?" kunot noong habol na sambit ng tiyo sa kanya. "I can still manage." Pinilit niya pang tumayo ng tuwid habang itinataas ang dalawang kamay para sumenyas na kaya niya pa. Ngising tinanguan naman siya ni tito Regi pakaangat ng baso nito na halos kalahit pa ang laman. "Jordan, ikaw na bahala sa uncle ko." senyas niya sa kaibigan na abalang pa rin na gumagawa ng inumin mula sa likod ng bar. Sumaludo naman ito bilang pamamaalam. "Ingat pare," pahabol na sigaw nito bago balingan ang isang customer na umo-order. Napahalak na lang si Raymond nang mabangga ang isang upuan sa likuran habang umaatra

