Walang mapaglagyan ang sobrang tuwa ni Sheryll, hindi niya lubos akalain na manunumbalik ang liwanag sa mukha ng asawa, kaya naman kahit papaano ay unti-unti na noon nabura ang kanyang namumuong pangamba. Ganadong-ganado siyang nagluto ng umagang iyon dahil sa kasiyahang nadarama, humuhuni-huni habang pasimpleng kumikendeng sa harap ng kalan. Napasinghap siya sa gulat nang madama ang malumanay ngunit malakas na yakap mula sa likod. "Morning sweety." Lapat kaagad ng matatamis na labi ng asawa sa kanyang leeg. "Ray!" hagikgik niya na lamang habang napapabaluktot ng leeg dahil sa kiliting dulot ng halik nito. Nanumbalik na muli ang init sa mga haplos at halik nito kaya naman hindi na siya nakakadama ng kung anong pagkailang sa asawa. "Bakit ang aga mo nagising?" natatawa na lang nitong

