Nagising na lamang siya na may kabog sa kanyang pakiramdam. Mabilis at medyo naninikip ang kanyang dibdib dulot ng kung anong takot. Naroon ang konsensya sa kanyang isipan na hindi mawala-wala dahil sa pamumuna ni Bobby sa kanya kagabi, kaya naman halos hindi rin siya nakatulog ng maayos. Nagdesisyon na lang siya na umuwi ng maaga upang kahit papaano ay makabawi sa mga napabayaan responsibilidad sa asawa. Halos hindi pa sumisikat ang araw nang makarating si Sheryll sa condo, kaya naman medyo panatag ang buong gusali. Mabilis naman siyang nakapasok at agad na tumungo sa unit na tinutuluyan. Napakatahimik ng buong lugar at halos mga huni lamang ng ilaw ang maririnig. Pinilit niya na lang rin huwag gumawa ng ingay nang pihitin ang siradura ng pinto, upang huwag lumikha ng ingay habang p

