"Sweety c'mon, you need to get ready." Lambing nitong yugyog sa kanya. "Uhm Ray, pwede bang ikaw na lang sumama sa check up ko?" lambing niya na lang sa asawa. Parang wala siyang ganang kumilos nang araw na iyon, dahil na rin sa bigat ng kanyang pakiramdam. "May problema ba?" taka nitong baling sa kanya habang nagsisintas ng sapatos, "pwede kitang ikuha ng ibang makakasama mo kung naiilang ka pa rin kina manang." Naupo na ito sa kanyang tabi nang mabatid ang kanyang hitsura. "Wala naman, hindi lang kasi ako komportable sa kanila." Napayuko na lang siya sa hiya, hindi niya kasi gusto ang pakiramdam na hindi kilala ang kasama, lalo pa at importante ang lakad nilang iyon. "Kung ayos lang sa iyo, papahatid na lang ako sa bahay, tapos magpapasama na lang ako kina mama o kaya kina Delilah."

