"Sweety, kailangan mong bumaba," malambing na saad ni Raymond sa kanya habang nagbibihis ito. "Hindi ba pwedeng dito na lang ako?" nguso niya na lang sa asawa. Nasilip niya kanina ang pagdating ng ilang mga bisita doon, kaya naman mas lalo lang siyang nakadama ng takot at hiya na magpakita sa mga ito. Halos kilala niya ang ilan sa mga naroon dahil na rin ang iba ay mga politiko at sikat na mga taong lumalabas sa telebisyon. Napatigil na lang si Ray sa ginagawa para maupo sa higaan upang matabihan siya. Tila mabilis na lamang bumugso ang dugo sa kanyang pisngi nang madama ang mainit na katawan nito. "Sweety, kailangan kang makilala nang mga kasosyo namin," malambing nitong saad habang hinahalikan ang balikat niya. "Pero ano kasi..." napakagat na lang siya nang labi. Naroon kasi ang

