Nanatili ako sa pwesto, hindi makagalaw at nakatingin lang kina Beatus at Nova. I knew I was shaking all over because of the tremors wreaking through my body. Goosebumps peppered my skin raw to the point of pain. Parang kahit sa pisikal na anyo ay mawawasak ako.
My husband was having an affair with another woman. She was one of our closest colleagues, Antonova Escobar. They were business associates for as long as I could remember. Ibig sabihin ba noon, ganoon na rin katagal ang relasyon nila? Ganoon na ba katagal nila akong niloloko?
Gusto kong mapaluhod sa sakit habang pinagmamasdan silang dalawa. Parehong masaya, parehong kausap ang mga kaibigan. Para kay Beatus, hindi man lang ba niya ako naalala? Kung nasaan na ako, kung bakit ang tagal ko sa banyo. At para kay Nova, hindi ba niya naisip na nakakasira siya ng isang relasyon?
I thought we’re all friends here. I thought that if ever there were misunderstandings, it easily be smoothened out. That’s what this party was all about, right? Other than celebrating Libra and Lyanna’s next chapter in life, all the people invited here were supposed to be there for each other.
Pero anong ginagawa ng asawa ko at ng kabit niya?
I had never felt so betrayed in my life. Beatus was the only person whom I trusted the most. Ipinagkatiwala ko ang buhay ko sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya. He was my first kiss, my first love, my first in everything. Halos naibigay ko na sa kaniya ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari… na ganito kasakit at ganito kahapdi.
We were facing problems. We were not okay. But this? I couldn’t even explain the pain I was feeling.
Nang namatay si Apollo, pakiramdam ko ay nawasak ako bilang ina. Ngayong nalaman kong may kabit si Beatus, pakiramdam ko ay nawasak na ako bilang babae. Parang wala nang natira sa pagkatao ko kung hindi ang mga sakit na nararamdaman ko. Hindi pa tapos ang isa ay heto na naman.
With my tears falling uncontrollably, I looked heavenwards. Hindi sapat ang malamig na simoy ng hangin ng open garden para makahinga ako. The starless night sky was so dark and empty.
Alam kong may mga pagkukulang ako but did I truly deserve this? I lost my child, and now I was losing my husband. Nasa kapalaran ko ba ang magdusa para pagbayaran ang mga kasalanan ng pamilya ko?
Not only I was unlucky but I was also cursed. Apollo didn’t die inside me because of a drunk driver. She died because I was a Delgado. Kagaya ng pagkamatay ng mga magulang ko, kagaya ng aksidente ni Kuya Carlo, kagaya ng pagkakawatak-watak ng pamilya namin. The curse was real. And it was coming for the rest of us.
I walked out there as fast as I could. Hindi na ako bumalik sa party at pumara na lang ng taxi para makauwi. It was already eleven o’clock when I arrived. Atsaka pa lang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Beatus.
Saktong nakatulala lang ako sa telepono nang maabutan ni Aling Nenita sa sala.
“M-Mam? Anong nangyari? Nasaan si Sir Beatus?” Kaagad niya akong dinaluhan.
I wiped my tears away and pointed at the ringing cellphone. Kanina pa ako umiiyak sa byahe kaya hindi na ako nagulat sa mugtong-mugto kong mga mata.
“S-Sasagutin ko ho, teka…” anang matanda sabay hablot sa cellphone ko. “Hello, ser? Si Nenita ho ito. Nakauwi na si Mam…”
Patingin-tingin si Aling Nenita sa akin, halatang nag-aalala habang kausap ang asawa ko. After the call, she took it upon herself to give me a glass of water and a blanket. Siya na rin ang nag-ayos ng kumot sa balikat ko dahil hindi ako matigil sa kaiiyak.
I felt so pathetic in front of her like that. Alam kong alam naman niya ang nangyayari sa loob ng bahay namin pero ito ang unang beses na makikita niya akong humahagulgol. She tried consoling me until we heard the car pulling up in the garage.
“Saglit lang, mam. Ang asawa ninyo na ata…” Tumayo siya at binuksan ang pinto.
She wasn’t mistaken because it was Beatus behind the door. Halatang nagmadali siyang umuwi at hindi man lang bumati nang pumasok na sa loob. Napatayo ako sa bilis ng kaniyang lakad.
“Maiwan ko na muna kayo,” paalam ni Aling Nenita.
Suddenly, the room felt suffocating with Beatus and I in it. The two of us had so much baggage that the space wasn’t big enough. Ilang beses kong pinunasan ang mga luha pero ayaw pa rin tumigil. Panay ang hikbi ko kahit nakatulala na lang sa malabong mukha ng asawa ko.
“Ano na naman ba ito, Sol? Alam mo, hindi na kita maintindihan–”
He wasn’t able to finish because I slapped him. Hard. Malakas ang naging tunog ng paglagapak ng aking palad sa kaniyang pisngi.
Nang makabawi ay pinandilatan ako ni Beatus. He looked like he wanted to return it but he held himself. Tiim-bagang niya akong nilingon ulit. “Ano bang problema mo?! Why did you leave the party like that–”
“Kailan mo aaminin sa akin ang relasyon ninyo ng kabit mo?” mabilis kong putol. Parang umurong na rin ang mga luha ko sa namuong galit at natira na lang ay ang mga hikbi. “Hanggang kailan mo kayang itago sa akin?”
“What?! What the f**k are you talking about?!” Beatus looked taken aback.
“May relasyon kayo ni Nova–”
“f**k! Si Nova na naman? ‘Tangina! Umalis ka sa party at nag-iiyak dito dahil lang kay Nova? Puta naman!” Sinipa ni Beatus ang coffee table kaya bahagya akong napaigtad.
“I know what I saw, Beatus! Nakita ko kayong dalawa! You’re holding hands!”
“Alam mo, kung anu-anong iniisip mo e! Nababaliw ka na talaga! You’re f*****g crazy!” dipensa niya. “Nova and I are just business partners. Napakadumi mong mag-isip, Sol! Para kang tanga!”
“Bakit hindi mo pa kasi aminin?! Kailan mo ba balak aminin?!”
“Aaminin ang alin?! Putangina, nakakapagod ka na ah! Pagod na pagod na ako sa’yo!” Umiling si Beatus at tinalikuran ako. “Bahala ka sa buhay mo!”
“I’m still talking to you! Beatus!” Humabol ako sa kaniya. Halos sabay naming inakyat ang hagdanan. “Ano, tatakasan mo ako? Ngayong ako na ang nakikipag-usap sa’yo? Isn’t this what you want? For us to talk? Kaya bakit mo ako tinatakasan?!”
“Humanap ka ng kakausapin mo! You’re paranoid!” he spat.
Panay ang hila ko sa kamay niya ngunit panay rin ang tabig niya sa akin. Kulang na lang ay itulak niya ako para tuluyan na akong mahiwalay sa kaniya. When we reached the second floor, Beatus hastily advanced to the door and opened it. Nagtuloy na naman ang aming balitaktakan.
“Aminin mo na kasi! Ano bang mahirap sa pag-amin kung nakita ko na kayong dalawa?” sigaw ko.
Beatus remained quiet although he was violently opening his cabinets. For a moment, I thought he was packing his things. Aaminin kong kinabahan ako pero nakitang damit pantulog lang ang mga inihanda niya.
“Gaano ba kahirap umamin? Ha? Huling-huli ko na kayo sa akto pero hindi ako gumawa ng eskandalo! Umuwi ako rito sa bahay kahit na ang sakit-sakit! Kaya pwede ba? Umamin ka na!” Hinablot ko ang inilabas niyang t-shirt.
Sinamaan lang niya ako ng tingin. Hinablot niya ulit ang damit pero hinila ko rin. We had a tug of war in which no one was the winner. Nagpaubaya nga si Beatus na sa akin mapunta ang damit ngunit wala pa rin kaming naresolba.
“Maliligo lang ako! Hindi na ba ako pwedeng maligo?!” malakas niyang sigaw.
Bahagya akong napapikit. Mukhang susuntukin na niya ako sa tapang ng kaniyang mukha. Pero galit din ako. I was so hurt to the point of frustration. Nahuli na nga siya pero ayaw pa niyang magsabi ng totoo. Pinagmumukha niya pa akong tanga!
“Hindi mo ba talaga ako kakausapin?!” hinihingal kong tanong.
Instead of answering, Beatus purposely ignored me and grabbed another shirt. Nang hinablot ko iyon ulit ay atsaka niya ako nilingon. “Ang kulit mo naman! Putangina!”
“Kung kanina mo pa ako sinagot, sana ay natapos na tayo! Hindi kita gaganituhin kung marunong kang makipag-usap!”
“E bakit pa tayo mag-uusap kung ganiyan ka na mag-isip? Ano pa ba ang ipaliliwanag ko sa’yo kung paniwalang-paniwala ka nang nambababae ako? Ano, Sol?! Answer me!”
“Kasi nga nambababae ka! Ayaw mo lang aminin!” buong lakas kong sigaw.
Beatus rolled his eyes at me and grabbed his shirt back. Dinampot na niya ang tuwalya at tinalikuran ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa frustration. Sa halip na sundan siya sa banyo ay nanatili ako sa tabi ng kama namin, unting-unting napapaupo.
“Beatus…” I called rather calmly, my tears once again brimming my eyes. Nang hindi siya tumigil ay tumawag ako ulit. “Beatus, I have another question for you. Siguro kahit ito na lang ang sagutin mo para matahimik na ako.”
“What?” Padarag siyang lumingon.
I smiled softly even with all my tears falling down. “Mahal mo pa ba ako?”
I didn’t know why I suddenly thought of that. If he couldn’t answer me straight away, then this was the closest one to possibly know the answer. Sa lahat ng mga tanong ko ay alam kong iyan ang pinakamabigat, pinakamalaman. For a moment, it didn’t matter if he was cheating or not. Everything else didn’t matter.
Bahagyang lumaki ang mga mata ni Beatus. Clearly, he didn’t expect that from me. But he recovered soon, his face darkening. Binagsak niya ang mga damit at tuwalya sa sahig at naglakad patungo sa harapan ko.
“Do you really want to know?” Bumaba ang kaniyang boses. “Honestly, Sol, hindi ko na rin alam. Hindi na ako sigurado.”
A new set of tears fell down from my eyes. Gumuhit ang panibagong sakit sa dibdib ko. I refused to make any sound which made my throat burn. Natulala na lang ako sa asawa ko.
“There’s this giant wall between us and I can’t reach you,” pagtutuloy ni Beatus. “I can’t even see you. You’re so focused on your grief that you just didn’t care anymore.”
“Namatayan tayo ng anak. Anong gusto mong gawin ko?” Nangatal ang mga labi ko. Perhaps it was the first time that I ever admitted that to him and to myself, and it hurt so, so much.
“Hindi kita pinagbabawalang magluksa pero nagpakain ka na sa lungkot mo. Ginawa mong mundo ‘yung sakit na nararamdaman mo. E ako? Naalala mo ba ako? Nagluluksa rin ako, ‘di ba? Pero naalala mo ba kahit minsan na may asawa ka?” Beatus shook his head. “No, you didn’t. You sheltered yourself inside your grief, thinking you’re remembering Apollo in expense of forgetting me. You’re my wife, Sol. I needed you in those moments too!”
“Stop.” Panay ang iling ko dahil sa mga sinabi niya. “Stop it.”
“Ganiyan. Ganiyang-ganiyan ka. Sa tuwing kakausapin kita, umaayaw ka. Sa tuwing hinahanap kita, tumatakas ka. Kailangang-kailangan kita, Sol, pero ikaw mismo ang nagtataboy sa akin. So… you can’t blame me…”
Dahil sa makahulugang tingin ni Beatus ay bahagya akong napatigil sa pag-iyak. Lumaki ang mga mata ko at parang naubusan ng hininga. That look he gave me told me everything.
“Oo, Sol,” walang kurap niyang saad. “Oo, may relasyon kaming dalawa ni Nova. Inaamin ko na.”
Doon na bumigay ang lalamunan ko sa pamimigil ng mga hikbi. A loud sob escaped my already burning throat as I broke down in front of him. Sa sobrang lakas ng mga iyak ko ay parang nababanat pati ang tiyan ko. I felt my whole body shaking because of my painful howls.
Binaon ko ang mukha sa dalawang palad. Hindi na makontrol ang mga hagulgol ko at para bang lalabas na ang dalawang baga ko sa aking likuran. Parang mababaliw na ako sa kaiiyak ko. Sobrang ingay ko na para bang paulit-ulit akong sinasaksak ng patalim.
Tama ako. Tama nga ang hinala ko. All this time, I thought I was going crazy. I certainly felt like it whenever he denied it which was all the time. He called me many names, me, his wife. Akala ko ay paranoid na ako, akala ko ay nagha-hallucinate na ako. Para na akong tanga sa katatanong at kaiisip sa kanila ni Nova! And I felt so pathetic!
When Beatus tried to hold my shoulders, I pushed him away. Tumayo ako at sinampal na naman siya.
“Gaano na katagal?” tanong ko. Beatus shook his head and muttered a curse. Lalong uminit ang ulo ko. “Sumagot ka o pupuntahan ko si Nova ngayon! Gaano katagal ninyo na akong niloloko?!”
“A couple of months now.” Nag-iwas siya ng tingin.
I gave another ugly cry. Parang hihimatayan na ako. Pinilit kong lampasan siya pagkatapos ay tumungo ako sa dresser. Kahit hilam na hilam ang aking mukha ay kinuha ko ang maleta at nagsimula nang magsilid ng mga damit.
“W-What are you doing? Where the f**k are you going?” Natigilan si Beatus sa pintuan.
“Uuwi ako ng Sorsogon. Hindi ko pa kayang makasama ka. Nandidiri ako sa’yo.” Nagkandalukot-lukot na ang mga damit ko pero wala na akong pakialam. Sinarado ko na ang maleta at lumabas ng kwarto namin.
Gulat ang gulat pa rin ang asawa ko kaya wala siyang nagawa. Siguro ay natauhan din nang nakitang pababa na ako sa hagdanan. I almost tripped because of my blurry vision but I didn’t care as long as I got away from him.
I felt so guilty these past few days. I even made an effort to look pretty for him, to cook for him. Akala ko ay sa akin na ang problema. Akala ko ay ang pangit-pangit ko na. Pero may babae pala siya, ‘tangina! Siya pala ang nauna!
“Sol! Sol, come back here!” sigaw ni Beatus mula sa itaas. Nang makitang hindi ako nakikinig ay bumaba na rin siya at mabilis akong inabutan. “Ano ba?! Anong oras na pero aalis ka pa rin? Nababaliw ka na ba?”
“Stop f*****g calling me that! Stop telling me that I’m crazy, that I’m paranoid!” Kahit minamalat at masakit na masakit na ang lalamunan ay sumigaw ako. “Stop gaslighting me! Stop f*****g manipulating me!”
Narating ko rin ang sala pero nakasunod kaagad si Beatus. Inagaw niya ang maleta ko kaya natabig ang isang vase. Basag!
“Putangina! Sol, ano ba?!” he screamed.
I didn’t let him pull me back again. Hinablot ko kaagad ang maleta ko at tumungo na sa garahe sa labas. Binuksan ko kaagad ang likod ng kotse.
“Sol! Beatus! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Diyos ko!” Lumabas si Aling Nenita. Kahit si Hanz ay nasa likuran niya at halatang takot na takot.
“Aalis po muna ako. Kayo na ang bahala sa bahay,” malamig kong sabi bago sinarado ang kotse. My eyes were trained on Beatus as I rounded the driver’s car door. Umawang ang kaniyang bibig. “Sol! Bumalik ka rito so we can talk about this! Huwag ganito!”
Bago tuluyang pumasok sa loob ay huminto ako. Binasa ni Beatus ang mga labi at humakbang papalapit. Akala siguro niya ay susundin ko siya at paniniwalaan katulad ng lagi kong ginagawa. But I pointed my forefinger at him, my rage barely concealed. He was the man I loved, the man I married… yet I was feeling all this pain as I looked at him.
“You know what? I cheated on you too,” pabulong kong saad. Umawang ang kaniyang bibig kaya tumango-tango ako. “It was only for one night but I still cheated on you. Before I leave this house, I want you to know that we’re even.”
Nalaglag ang panga ni Beatus at hindi na nakapagsalita. I nodded at Aling Nenita before getting inside the car. Pagkatapos ay pinasibad ko na ang kotse patungong airport sa kahilingang pati sana ang lahat ng hapdi at sakit ay maiwan ko rito.
When I arrived at Sorsogon, the sun was already threatening to shine. Unti-unti nang humahalo ang mga sinag ng araw sa kadiliman pero mahamog pa rin. I could already hear the waves crashing by while I was commuting. Unlike in Manila, the days and the nights were actually separated from each other. Mabuti na lang dahil may mga tricycle na sa terminal at iyon ang naghatid sa akin papunta sa bahay namin.
I texted Kuya Ilay earlier to go get my car from the airport’s parking lot. Hindi na ako nakapag-isip kanina at atsaka lang naalala. Baka ipadala ko na lang ang kotse ko para may service ako rito. Pero… baka hindi na rin dahil mukhang mas maaliwalas kapag tricycle ang gamit.
Our ancestral house was a thirty-minute drive away from the terminal which was very convenient. Huminto rin ang tricycle at ibinaba ng driver ang nag-iisa kong maleta.
“Ikaw ba ang anak nina Ricardo at Carlotta Delgado?” anang matandang driver sabay tingala sa bahay namin. “Unang beses ko yatang maghahatid dito. Mas malaki pa pala sa malapitan!”
“Opo…” Tumango na lang ako at nagbayad ng pamasahe.
Kahit noong naglalakad na ako patungo sa malalaking gate ay nakatanaw pa rin ang matanda. Hindi ko na lang pinansin. Thankfully, I spotted one of our helpers in our front lawn. Nagwawalis ng mga tuyong dahon ang isang matanda na kamukhang-kamukha ni Aling Nenita. Kapatid niya yata.
“Tao po… Si Sol po ito…” tawag ko sa likuran ng malalaking bakal.
Tiningala ko ang malaking bahay na ilang taon ding tinirhan. They said my grandfather died just after I was born. We only returned when I was eleven or twelve so I spent some of my childhood here. Marami nang nangyari sa bahay na ito pero ang taas at ang gara pa rin tingnan.
Our family crest was still embedded on the door knocker. It was a golden lion’s head roaring with the sunrays around it as its mane. Although the brass material was no longer glossy because of the sand in the air.
Natigil ang pagsusuri ko nang makitang parating na ang matandang nagwawalis kanina. She squinted her eyes at me before stepping back, her jaw dropping.
“Consuelo?! Si Consuelo nga! Dumating si Consuelo! Bilis!” sigaw niya sa likuran bago dali-daling binuksan ang gate.