FLAME MORJIANA LAVISTRE Pagdating ko sa Underground agad akong sinalubong ni Mika, Akira at ni Onze. "May problema?" tanong ko sa mga ito. "Boss, may bomb threat po sa isa sa inyong kumpanya!" halata sa boses ni Mika ang kaba. Tiningnan ko ito at agad akong tumakbo papasok sa loob ng Underground. "Alice. Call Brent now! Divine, tawagan mo sila Kuya. Tumulong ka din Jennica!" utos ko sa kanilang lahat. "Masusunod po!" sabay sabay nilang sagot. Tumabi naman sakin si Akira si Mika naman ay agad binigay sakin ang mga information gamit ang iPad nito. "Boss, papunta na po si Sir Brent sa location sinend ko na po sa kanya." wika ni Alice. "Good." sagot ko lang. Naupo na ako at ako mismo humarap sa dalawang monitor ng computer. "On the way na rin sila sir Thunder!" sigaw ni Divine. Hindi

