FLAME MORJIANA LAVISTRE "Dito ka matutulog at mag stay sa kwartong ito Wendy, hanggang maka panganak ka." sabi ko dito. Hinatid ko siya sa magiging kwarto niya katabi ng kwarto nila ate Sky at kuya Harold ang kwarto nito. "Kailangan mo din magpa schedule sa ob-gyn para sa monthly observation sa'yo at sa baby mo para healthy siyang lalabas." paalala ko dito. Nilingon ko ito na kanina pa namamangha sa kwarto niya. "Pwede bang kapag alam ko na gender ng baby ko. Mag ayos ako dito?" mahinahong tanong nito sa akin. "You can do whatever you want. This room is yours and your baby too, so go!" pag payag ko. Ngumiti naman ito agad at niyakap ako agad, ngumiti lang ako. "Sige na ayusin mo na gamit mo. Sam tulungan mo muna siya at ikaw sumama sa kanya sa mga check up niya mag sama din kayo ng ib

