Special Chapter "Uhmm... Good evening po, Engineer." Pagbati ng sekretarya ko na si Jester nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng aking opisina. Mabilis ko namang naiangat ang aking paningin sa kanya habang ipinapasok ko sa loob ng aking bag ang mga papeles na iuuwi ko ngayon sa bahay upang review-hin. "Good evening also, Jester. Bakit hindi ka pa umuuwi? I thought you went home already. 'Yong kanina na ang huling meeting natin with our clients kaya pwede ka nang umuwi ngayon. Inaayos ko lang itong mga dadalhin ko sa bahay at uuwi na rin ako. Paniguradong kaninang-kanina pa ako hinihintay ng mag-iina ko. I can't wait to finally see and to be with them again," masigla kong pahayag sa kanya matapos kong ibalik ang aking atensyon sa aking ginagawa. Ilang araw na rin kasi akong nag-o-ove
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


