Bonus Chapter "We are so pretty, Mommy!" masayang saad ng anak kong si Gabriella habang pinagmamasdan namin ang aming mga sarili sa harap ng isang full length body mirror. Napatawa naman kaagad ako nang mag-pose pa siya habang tuwang-tuwang nakikita ang kanyang sarili sa salamin. Umaanggulo pa siya habang nasa baywang niya ang kanyang kanang kamay at habang ang kaliwang kamay naman niya ay nasa kanyang baba na mas lalong nakapagpangiti sa akin. Napakabibo talaga nitong anak ko! Nakakatuwa! "Of course, baby!" nakangiting pagsang-ayon ko sa kanya habang sinusuklay ko ang kanyang buhok. Nandito kami ngayon sa Resort nina Gabriel sa Puerto Galera at dalawang linggo na ang lumipas mula nang maikasal kami. Kaya kami nandirito ngayon ay dahil kinulit kami ng aming mga anak. Gusto raw nilan

