Prologo
Sa pagtatapos nila sa kanilang high school sa Verdantia Crest Academy magkasamang umalis ng bansa sina Oli at Athan. Naiwan naman sina Mia at Gabby sa kanilang bansa at nag-aral sa Blossom State University.
Walang kamalay-malay sina Oli, Mia at Gabby na may pinagdadaanan si Athan sa ibang bansa. Nawalan sila ng communication sa bawat mula noon.
Sa pagpasok ng third year college ni Athan isang trahedya ang magiging dahilan at huminto siya sa pag-aaral niya.
Nagpunta sa lawa si Athan at dahan-dahan niya nilulubog ang sarili niya doon.
"Ahhh!!!!" sigaw naman niya nakalubog na ang buong katawan niya sa lawa pumapalag siya sa taong humahawak sa braso niya.
May yumakap sa kanya ng mahigpit habang umiiyak siya at pumapalag siya.
"Stop, Athan!" awat ni Elise Maren Hoffmann—ang kaklase niya.
"I can't take it anymore!"
"Please, Athan, hold on—your mom is already worried about you."
Nadala siya ni Elise sa buhanginan na puno ng mga bato. Umiiyak pa rin siya palagi siyang natatakot at nangangamba na hindi niya mapaliwanag.
"I'm the reason—" putol ng pagsasalita niya ng sumabat si Elise.
"He took his own life—it's not your fault!" sigaw nito sa kanya.
""I—It's my fault—" hindi mapakaling sagot niya kay Elise na pinapa-kalma siya.
"Your fault? So you mean it's also our classmates' fault that he killed himself?" sagot nito sa kanya.
Natahimik naman siya sa sinabi nito sa kanya. Hinatid naman siya sa bahay niya at naghihintay naman sa kanya ang Mama niya doon.
Pahayag nito kaagad sa Mama niya ng magka-titigan silang dalawa, "Tita, we're here now, I brought her to you."
"Thank you, Elise, for your help—If you hadn't found her, I would've already called 112 for help." sagot ng Mama niya kay Elise.
Lumakad siya papasok sa loob ng kanilang bahay huminto lang siya ng may magsalita sa likod niya.
"Ano ba ang balak mo?" sabi ng Mama niya.
"Magpakamatay?" sagot niya.
"Anak, third year college ka na—isang taon na lang magtatapos ka na." pahayag ng Mama niya sa kanya.
Huminto na siya sa pag-aaral dahil sa nangyari sa mentor at professor nila naabutan niyang naka-bigti ito sa loob ng bahay nito.
"Hindi ko kayang bumalik sa pag-aaral kung ganito ang mental health ko, Ma—hindi ko kakayanin." sagot niya.
Huminto lang siya sa pag-hakbang ng marinig niya ang sinabi ng Mama niya.
"May offer ang school mo na i-exchange student ka sa Pilipinas, hindi ka pa rin ba babalik sa pag-aaral?" banggit ng Mama niya dahilan para lumingon siya.
Wala siyang sagot sa sinabi ng Mama niya nagpunta lang siya sa kwarto niya, doon nagmukmok lang siya hanggang sa makatulog siya.
"Ahhh!!!" sigaw niya ng makaramdam nang kakaibang pakiramdam sa paligid niya.
Naulit ang pagpapakamatay niya at sinasagip naman siya ni Elise.
"Go back first to your homeland—the Philippines, you told me, the important person to you is there...maybe, she is the one you need right now, not your mom or me." pahayag ni Elise.
"I'm afraid she might see me like this." sagot niya nakasandal siya sa tabi ng lawa niligtas ulit siya ni Elise.
"Ahhh!!!" sigaw niya ng makaramdam nang kakaibang pakiramdam sa paligid niya.
Mula sa malayo, nakatingin kay Athan si Wendy—ang dating ka-fling niya nakatingin lang sa nangyayari sa dating ka-fling.
Magka-schoolmate silang dalawa noon.
Sa kabilang banda, nasa loob ng cafe si Mia kasama si Evan nang dumating ang kaibigan niya sa harapan nila.
"Gabby," tawag niya sa kaibigan na hindi malaman kung okay lang ba ito o hindi.
"Mia," sabi nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya nang makita ang kakaibang expression ng mukha nito.
"Bro, okay ka lang?" sabat ni Evan nagtataka rin sa pagsulpot ni Gabby sa harapan nila.
Seryosong tumingin ang kaibigan niya sa kanya, "He is back,"
"Who is back?" sabat ni Evan na walang kamalay-malay kung sino ang tinutukoy ng kaibigan ni Mia—ng girlfriend niya.
Tumingin naman siya sa kaibigan niya—naalala ni Mia ang taong sinasabi ng kaibigan niya.
Pinuntahan niya noon sa ibang bansa si Athan para aminin sa kanya ang nararamdaman niya. Kahit hindi niya kabisado ang lugar at takot siyang umalis ng walang kasama noon, nagpunta pa rin siya sa Paris para makipagkita dito.
Dapat magkikita silang dalawa ni Athan sa isang lugar. Hindi nakarating si Athan sa meeting place at doon nagsimulang magbago ang tingin niya kay Athan. Bumalik si Mia sa Pilipinas na hindi nakita si Athan at doon bumangon ang matinding hinanakit ng puso niya para kay Athan.