Erin's POV: Ilang araw pa lang kami sa Japan pero parang taon na ang lumipas sa mga nangyari. Nakakabwisit kasing isipin ang mga sinabi ni Light. Ano ba ako sa tingin niya? Tourist spots na kung kailan niya gustong balikan, tiyaka niya babalikan? Shit lang talaga! Nakaka inis siya. Hindi 'ko na nga lang siya pinapansin at kinakausap pero anak ata ng ka epalan si Light dahil lagi pa rin siyang nagpapansin. Kaya iniwan 'ko siya sa Tokyo at mag isa akong pumunta sa Okinawa. Mabuti na iyon ng hindi 'ko muna siya makita. Napahinto ako sa paglalakad ng may kumalabit sa akin kaya inis 'ko iyong nilingon. Isang naka-costume ng teddy bear iyon na may inabot na isang pirasong bulaklak sa akin kaya agad na tumaas ang kilay 'ko. "Light, pwede ba huwag ka ng gumawa ng kung ano ano. Hindi effec

