Light's POV: Napangiti akong iniwan ang isang bouquet ng puting rosas at tsokolate sa harapan ng kwarto ni Erin bago 'ko pinindot ang doorbell at umalis na. Mula sa kwarto 'ko ay nakita 'ko itong lumabas at napatingin sa mga bulaklak pero imbis na kuhanin iyon ay muli lang siyang pumasok sa loob. Napangiti ako ng mapait, hindi dahil sa nannanghihinayang ako sa mga bulaklak kung hindi mas lumala lang ang sitwasyon namin pagkatapos ng gabing iyon. Hindi niya na ako kinakausap o tinitignan man lang. Parang hangin lang kung daanan niya ako at parang wala siyang naririnig sa tuwing kinakausap 'ko siya. "Kamusta ang Japan? Nasuyo mo na ba ang dapat suyuin? o nakasisid ka na agad?" natatawang pang ngangantyaw ni Night mula sa kabilang linya at nahiga na lang ako sa kama habang nakatitig sa k

