“Salamat po!" aniya na sinabi ni Sabrina kay Manang habang kumakain pa rin ng kanilang himagas. “Masarap po." Ngumiti naman ito sa kanya. Habang ang isa pa nila kasama ay wala na kibo at nawalan ng kibo ng tuluyan. “Oo nga po pala, Manang. Pwede niyo po ako samahan na maglibot bukas sa bayan? Kahit sasama nalang po ako sa inyo, kung mamimili po kayo." “Hindi pwede." sumabat bigla si Rafael na hindi agad nagustuhan ang nais ni Sabrina na pagpunta ng bayan ng kalalabas pa lang nito mula sa kanyang pagka-hospital. Naibaba nito ang kubyertos na hawak at nainis talaga siya ng umangal si Sabrina mula sa pagtanggi niya at hindi pagpayag sa iniisip nito. Napabalikwas na siya ng tayo, mula sa kanyang pagkakaupo. Nawalan na siya ng gana. Naiinis siya at alam na niya na hindi na normal ang m

