Ang pagdampi ng mga kamay ni Rafael habang siya ay buhat na kasing init ng plantsa ang para sa kanya. Mainit-init kasi ito. Ramdam niya ang init ng buong katawan ni Rafael. Maging ang mabangong halimuyak ng katawan nito ay naaamoy niya at parang nadidikit na nga sa kanyang balat. Dahan-dahan lang ang paglakad nila habang siya ay buhat-buhat. Maliit ang bawat hakbang na ginagawa nito habang siya ay napakapit pa ng mahigpit ng muntik na siyang mabitiwan. Nagulat pa siya, at kinabigla ng matalisod ito ng hindi napapansin ang nakaharang na isang maliit na silya na gawa sa tela. Maliit na silya yon na gamit ni Sabrina. Isang silya na binili ng namayapang kasintahan ni Rafael nang ito ay nabubuhay pa nuong minsan ay dumako sila sa isang pagawaan ng mga furniture kung saan ay nabili rin nila

