Nagpunta siya sa libingan ni Randolf ng araw na iyon. Dala ang mga bulaklak na nakalagay sa basket at mga ilang pirasong kandila, naglakad siya papunta sa musuleo ng namayapang asawa. "Hi, Daddy," inilagay niya ang basket at sinindihan ang kandila. "Good morning," inilibot niya ang paligid para tignan kung napapanatili ang kilinisan ng paligid. Napangiti siya dahil satisfied siya sa linis niyon. Makintab ang flooring at walang alikabok sa paligid. Muli niyang hinarap ang nitso ni Randolf at hinaplos iyon ng kamay. "Kumusta ka na diyan? Kami naman ni Rafa, okay naman kami, actually, more than okay at alam ko naman na alam mo ang dahilan." Ngumiti siya. Dahil malinis naman ang sahig ay naupo siya sa harapan niyon. "Hindi ko akalain na babalik muli si Brix sa buhay ko, Dad. Alam

