"A-anong pinagsasasabi mo diyan, Marsh?" Takang tanong sa kanya ni Marie. Nawala ang atensyon nito sa dessert na nasa harapan. "Anong sinasabi mong hinarass ka ni Pancho?" "He came to my office yesterday, unannounced," sabi niya. Ibinaba niya ang kubyertos at ipinatong ang dalawang siko sa lamesa tapos ay pinagsalikop ang mga kamay. "Sabi niya, may importante daw siyang sasabihin kaya pinapasok ko siya." Tumingin siya sa biyenan na tahimik lang na nakikinig bago ibinalik ang tingin sa hipag. "Binastos niya ako ng tatlong beses...hindi, apat na beses pala." "Paano kang binastos?" Tanong ng kanyang biyenan. Nakikita niyang nagsisimula na itong samaan ng timpla kaya tingin niya ay sa kanya ito kakampi. "Una, noong tinanong ko siya kung ano ang gustong inumin. Kung kape ba, tsaa o

