Napansin niyang kanina pa walang kibo ang nobya habang kumakain sila. Siya lang ang panay ang salita at ito naman ay kumibo't dili lang. Hinawakan niya ito ng kamay kaya napatingin sa kanya. "Hey, are you okay?" Tumango lang ito. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng asawa. "Are you sure? You looked so bothered..." Huminga ito ng malalim at ibinubukas-sara ang bibig. "Kain muna tayo tsaka tayo mag-usap. Medyo mahaba-habang usap ito eh," sagot nito sa kanya na ikina-kunot ng noo niya. "Okay, if you say so," kumain siya ngunit hindi niya pinapakawalan ang kamay nito. Narinig niya ang mahinang tawa ni Marsh kaya napatingin siya. "Paano ako kakain kung hawak mo ako?" Hinalikan muna niya ang kamay nito bago pinakawalan. "Oo nga pala," napangiti siya. "Sorry, gusto ko lang

