Nag-iisip siya ngayon kung paano tutulungan ang pamilya ni Marsh. Hindi siya papayag sa ganito na may mga nang-haharass sa nobya. Mabait na tao si Randolf at sa kuwento ni Marsh ay ito at ang ama lamang ang mabuti ang pag-uugali. Noong nabubuhay naman daw ang mag-ama ay hindi ganoon ang biyenan niya, maging ang mga hipag. Hindi nito alam kung bakit bigla na lang naging ganoon ang pakikitungo ng mga ito ngayong wala na si Randolf. At tingin naman niya ay dahil iyon sa pera. Hindi sanay ang mga hipag, maging ang biyenan nitong babae sa kahirapan kaya ganoon ang mga ito. Isama pa ang mga asawa ng mga ito na ganid din sa yaman. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa pamilya ni Marsh kapag hindi tumigil ang mga ito. Palaki na kasi nang palaki ang hinihingi ng mga ito. Lahat ng puwedeng idahi

