Sabado. Pinuntahan niya ang bahay ng nobya upang makausap ito, pati si Nanay Choleng. Gusto niyang malaman ng mga ito ang nasa isip niyang gawin. Dapat ay noong isang gabi pa siya naroroon kaso biglaang nagkaroon ng importanteng meeting si Marsh sa kliyente na matagal na nitong inaantay. Siya naman ay naging busy na kahapon kaya ipinasya niyang ngayon magpunta. "Ang aga mo naman," nagulat na bati sa kanya ni Marsh. Hinalikan niya ito sa noo. "Good morning dapat ang bati mo, di ba?" Nangingiting tanong niya. "Sorry," napangiti din ito. "Good morning, Love," nangunyapit ito sa leeg niya nang maisarado ang pinto. Binigyan naman niya ito ng madiin na halik sa labi. "Good morning to you as well, My Love," muli niyang sinakop ang bibig nito. Ilang minuto din na magkahinang ang

