Hindi ka ba magpupumilit na sumama sa akin sa States?" tanong niya sa dalagang katabi sa kama. Tinupad naman nito ang pangako sa kanya na sasama sa condo niya dahil sa pagpayag niyang umuwi ito nang maaga noong araw ng exhibit. Tumingin ito sa kanya sabay iling. "Ayokong maging yaya mo, ano!" Tumagilid siya para humarap dito. "Hindi naman para maging yaya ko. We can both study in there......." Tigas na umiling ito. "Pursue your dream, Brix. Ayokong makagulo at isa pa, ano na lang ang sasabihin ng parents mo? Gusto mo bang magkaroon sila ng dahilan para ayawan ako? Kung isasama mo ako, para naman akong glue na nakadikit sa iyo." "Pero hindi ka sanay na wala ako," biro niya dito. "Ang kapal mo naman! Conceited!" natatawang hinampas siya nito sa braso. Inabot niya ito at niyakap ng mahi

