Pinuntahan nila sa kabilang kuwarto si Rafa. Gising pa rin si Yaya Choleng at nanonood ng pelikula. "Oh! Ang bilis ninyo," nakakunot ang noo nito. "Wala pa kayong isang oras." "Mag-uusap lang po kami sa room niya," paalam niya sa ina. "Nag-order kami ng cheesesticks at onion rings. Gusto nyo po ba?" "Ay, hindi na! Nag-papaantok lang ako kaso parang namamahay ako," natawa silang dalawa ni Brix. "Mas at home pa ako sa sasakyan mo, Brix eh." "Basta po kung hindi kayo makatulog ngayon, itulog nyo po iyan sa buong biyahe," tumango naman ang kanyang ina sa sinabi ng kaibigan. "Ay naku. Kahit hindi mo sabihin, iyan talaga ang gusto kong gawin," sabi nito sa dating alaga. "Bakit nga pala kayo nagpunta pa dito?" "Hihiramin ko po sana si Rafa para pagkagising niya, nasa kuwarto ko

