May mga ilan pa siyang ibinilin sa sekretarya at sinabihan itong tawagan siya kung may kailanga ns siya kahit anong oras na kailangan nito. Sinundo niya ang mag-iina at handa na rin naman ang mga ito nang dumating siya. Kinalong niya si Rafa at pinaunang papasukin sina Yaya Choleng at Marsh sa kotse bago sila pumasok ni Rafa. Ipinasok ng driver ang mga maleta ng mga ito. Mini van na ang ginamit niyang sasakyan upang maging komportable ang mga ito sa biyahe nila papunta sa airport. "You are not going to drive today, Tito?" Tanong ni Rafa sa kanya. Bumaling siya sa bata na ang cute ng outfit. As usual, kulay purple na naman ang dress nito. May pink ribbons ang buhok na nakatirintas, may pink leggins na may designs na unicorn, st purple high cut shoes. "I will not. Kasi hindi pu

