Vienna International Airport, Schwechat, Austria. Tulog na tulog pa rin si Rafa kaya buhat niya ito. Paglabas pa lang ng eroplano ay may consierge na nag-aabang sa kanila. Naka-asiste na ito sa kanila, pati ang mga dala nilang luggage ay naka-ayos na din. Hindi na din sila pumila pa ng mahaba sa immigration, gaya ng ginawa nila sa Pilipinas. Noon pa man ay ganito na ang ginagawa niya, lalo na ngayon na kasama niya ang mga ito. "Ang bigat ng batang iyan, di pa rin nagigising," inayos ni Yaya Choleng ang damit ng apo. "Okay ka lang, Brix? Kanina mo pa kalong iyan." "Okay lang po. Sayang naman ang muscles ko kung di ko magagamit," natatawang sagot niya. "Sabagay. Wala namang kuwenta kung hindi magagamit, ano," sakay naman nito at tinapik siya sa braso. Nag-inat naman ang matand

