Maaga pa lang ay lumipat na sa kuwarto niya si Marsh upang maayusan siya. Kahit tinatamad pa ay maaga na siyang naligo. "Aayusan muna kita bago natin i-tuck si dyunyor mo," sabi nito sa kaniya. "Hindi naman mabubura agad ang make-up mo dahil magandang klase naman iyang mga binili mo. "Ako na ang mag-aayos sa iyo, gusto mo?" Tanong niya sa kaibigan. "You mean, magme-make up?" Tumango naman siya. "Sure. Wala akong complain diyan. Alam mo namang pagdating sa akin ay hindi ako magaling mag-make-up ng sarili." "Ikaw muna ang ayusan ko," iniupo niya ang kaibigan sa tapat ng tokador. "Promise, mukha ka pa ding fresh after," ngumiti siya nang malaki sa kaibigan. "Aba, dapat lang dahil aayusan kita nang maganda. Tska Bakla, gusto ko yung natural lang ang look ko ha. Ayokong heavy ma

