"Kumusta siya?" Nangunot ang noo ni Mang Pablo nang bigla siyang magtanong dito. Sandali lang naman ang pagtataka sa maamong mga mata ng matanda at napalitan din agad iyon ng kakaibang kislap. "Si Lionzo ba?" "Oo." "Maayos na ang lagay niya." Napabuga siya ng hangin. May bahagi ng kaniyang puso ang tila guminhawa ngayong alam niyang ligtas na si Lion sa kapahamakan ngunit mayroon ding nadidismaya. Ngayong ok na ito, tiyak babalik na rin ito sa dating gawi—sa pangdadahas sa kaniya. Tumalikod si Mang Pablo sa kaniya para ligpitin ang pinagkainan niya. Kumikilos ito habang hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi. Nagtataka naman siya kung ano'ng nginingiti ng matanda. "Bakit po?" hindi niya natiis na itanong. "May nakakatawa po ba?" Natigilan ito at sumulyap. "Wala. May... nasi

