"Stay"

1236 Words
Nakakabingi ang tunog ng bawat hagupit ng mga patalim. Halos takpan niya na ang kaniyang mga tainga at ipikit ang mga mata para hindi makita kung sakali mang may isa sa dalawa ang masusugatan. Parehong magagaling humawak ng ispada sina Rozz at si Ace ng Blackhaven. Maliliksi at kapwa determinadong kumitil ng buhay. Ngunit aminado siyang mas sanay si Ace at mas mahusay sa atake kaysa kay Rozz. Wala rin namang ipinagkaiba kung sino ang mananalo. Parehong panganib ang dala ng mga ito sa buhay niya. Kailangan niyang takasan ang mga ito bago pa man magkaroon ng pagkakataon ang isa sa dalawa na saktan siya. Gayunpaman, may bahagi sa isip niya ang umaasang sa pamamagitan ni Ace ay makakauwi siya sa kaniyang ama. Paano kung ito ang magiging instrumento para makalaya siya mula sa kamay ni Lion? Biglang naudlot ang pag-iisip niya nang bumagsak sa tabi niya si Rozz. Muntik pa itong maputulan ng parte ng katawan matapos habulin ng ispada ni Ace, ngunit mabilis itong nakaiwas. Sa takot na tamaan ay agad na umusog palayo si Belleza. Bumaba siya ng kama, ngunit dahil bigla-bigla ang galaw niya kaya diretso siyang sumubsob sa sahig. Tumayo siya ulit, bumunot ng lakas at halos pagapang na nagtungo sa nakabukas na pinto. "Your captive is about to escape, Lombardi," rinig niyang sabi ni Ace sa mapang-uyam na tono. Nilingon niya ang dalawa. Nakatuon na sa kaniya ang mga mata ng mga ito habang ang ispadang hawak ay nakatutok sa isa't isa. Nagbabala ang mga tingin ni Rozz sa kaniya, samantalang gumuhit naman sa mga mata ni Ace ang kakaibang ngiti. Parang nanghahamon sa kaniya na magpatuloy pa. At nagpatuloy nga siya. "Belleza!" sigaw ni Rozz na hindi niya pinansin. Sunod niyang narinig ang muling pagbanggaan ng mga patalim. "Ahhck!" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Rozz at ganoon na lang ang pagsalubong ng kaba sa kaniya nang makitang nakabaon na sa dibdib nito ang espada ni Ace. Napasinghap siya. Takot at pag-aalala ang kaniyang naramdaman lalo na nang makita ang pagbagsak nito. "Rozz!" mahinang bulalas niya. Patay na ba ito? Gusto niyang saklolohan si Rozz dahil baka tuluyan ito ni Ace pero sa kondisyon niya, wala siyang magagawa para ipagtanggol ito. Isa pa, nanumpa na siya rati, uunahin na niya ang sarili kaysa sa iba. Mariin siyang pumikit at kumapit sa pader. 'Bahala ka na sa buhay mo, Rozz!' sa isip niya. Hindi na siya hinabol ni Ace. Kung sino man ang sadya ng lalaking iyon sa balwarte ni Lionzo ay natitiyak niyang hindi siya. Baka nga si Lionzo talaga ang sadya nito. Pero hangga't naroon siya sa loob ay alam niyang damay siya sa gulong kinasasangkutan ng mga ito. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang makarinig ng sunud-sunod na putok mula sa silid na pinanggalingan niya. Napahinto siya at napatingala sa taas. Nakita niya ang pagtakbo ni Rozz palabas habang may bitbit na baril. Gusto niyang matuwa nang makita itong buhay ngunit kaagad niyang sinupil ang sarili. Bakit ba siya natutuwa? Hindi naman niya ito kakampi! Balot na ng dugo ang harapan ng suot ni Rozz dahil sa sugat nito, nakadiin sa sugatang dibdib ang kamay nito upang pigilan ang pagdurugo. Hinahabol siya nito ng tingin. "Belleza!" sigaw nito. Napaigtad siya, bumalik ang takot niya at iika-ikang tumakbo. Hinabol naman siya nito. 'Nasaan na kaya si Ace?' "Belleza! Stop!" Sa pagmamadali ay gumulong siya pababa. Mabuti na lang at ilang baitang na lang ay nasa lapag na siya. Halos hindi niya maigalaw ang lahat ng pare ng kaniyang katawan dahil sa sakit. Mababaw man ay malala naman ang pagkakabagsak niya sa sahig. Pakiramdam niya ay napilayan pa siya. Dahan-dahan siyang bumangon, gumapang at tumayo. "Rozzwell Lombardi!" Napatingala siya sa taas kung saan nanggaling ang boses. Naroon si Ace na sugatan sa braso. May hawak itong shiruken na tuwid ang hugis at walang pag-aalinlangan nito iyong inihagis sa ere... Hindi papunta kay Rozz kundi paroon sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata niya. Sa pagkabigla ay hindi na niya naisip na kumilos agad. Kung kailan malapit na ay saka lang niya naisipang umilag ngunit huli na. Tatamaan na siya ng shiruken nang biglang may humarang na malaking katawan at ikinulong siya sa matitigas nitong mga braso sabay ikot nito. "Huh!" Sumubsob siya sa malapad nitong dibdib. Narinig pa niya ang mahina nitong ungol habang humihigpit ang yakap sa kaniya. "Lion!" sigaw ni Rozz. Tiningala niya ang lalaking yumakap sa kaniya at sumalubong ang abuhin nitong mga mata. "I arrived just in time," nanghihina nitong sabi at bumagsak ang mga tuhod nito sa sahig. Pinagbabaril ni Rozz si Ace na mabilis namang tumakas. Sa bintana ito ulit dumaan. "Habulin niyo siya at huwag niyong pakawalan hangga't hindi niyo nadadala rito ang kaniyang ulo!" mabalasik na sigaw ni Rozz sa mga tauhan na kasama ni Lion sa pagbalik. Agad na nagsipagkilos ang mga ito habang si Rozz ay puno ng pag-alalang nilapitan si Lion. Pareho ang dalawa na sugatan ngunit mas inuuna nito ang kapakanan ng kaibigan. May kahabaan ang punyal na bumaon sa likod ni Lion. Sa dalawa, mukhang mas delikado ang lagay nito. "f**k! f**k!" Nasuntok ni Rozz ang sahig sa gigil. "Don't worry, I'm fine. I can still count fingers, Rozzwell," mahinang sabi ni Lion na halos kapusin na ng hininga. "Shut up!" Inalalayan ito ni Rozz na mahiga sa sahig, patagilid upang hindi magalaw ang nakabaon sa likod. "I'm a doctor too, Rozz. Unahin mo muna sarili mo." "I'm fine, okay?! Mababaw lang ang sugat ko." "Tibay," nang-aasar pang wika ni Lion. "Sir!" mula sa kung saan ay nagsilabasan ang dalawang assistant kasama si Mang Pablo. "Tawagan niyo si Ishmael!" utos ni Rozz kay Mang Pablo na agad namang sinunod ng matanda. Samantalang si Belleza ay tila tuod na sa kinatatayuan. Hindi niya malaman ang gagawin. Nabigla siya sa lahat ng nangyayari at hanggang sa mga oras na iyon ay naninigas pa rin ang mga paa niyang tila nakapako sa sahig. Hindi gumalaw si Lion dahil hindi ito hinahayaan ni Rozz. Nakahawak lang din si Rozz sa kaibigan, nakaalalay habang hinihintay ang tulong. Sa kabila ng tinamo nitong sugat at kahit na bakas na sa mukha nito ang paghihirap ay mas inuuna pa rin nito si Lion. Nagsimula na ring mapalitan ng pamumutla ang mapupulang mga labi ni Lion habang ang mga mata nito ay nanatiling nakapikit. "M-mamamatay na ba siya?" tanong ni Belleza kay Rozz at lumuhod sa tabi nito. Hindi naman ito sumagot sa kaniya. "Gusto mo na ba akong mamatay?" Napabaling siya kay Lion. Napalunok. Hindi niya alam ang isasagot. Sa totoo lang kasi, gusto na niya itong mamatay pero naaawa siya rito. "Sorry, pero masamang damo ito, Belleza," ani Lion na ikinakurap niya. "Hindi matutupad ang kahilingan mo," pagkawika no'n ay malakas siya nitong hinatak sa kamay. Bumagsak siya sa tabi nito at agad nakulong sa mga bisig nito. "Lion! Damn it! You know what you need to do right now. Stop moving and prioritize your safety!" pikal na saway ni Rozz ngunit hindi ito pinansin ni Lion. Ngumiti pa ito na animo'y walang iniindang sugat. Ang kamay nito ay marahan na hinahawi ang nakaharang na buhok sa kaniyang mukha. Gusto niyang tapikin iyon pero nanigas ang buong katawan niya sa mga haplos nito. "I'll keep breathing as long as you're within my arm's reach, Belleza," wika nito at isinubsob ang kaniyang mukha sa dibdib nito saka bumulong, "So please, stay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD