NANAGINIP AKO.
Nagbago na raw si Lion. Mabait na ito... Hindi na siya nito sinasaktan. Sa katunayan ay hindi na nito kayang gumalaw nang hindi nahahawakan ang kamay niya. Palagi nitong hawak ang kamay niya, ayaw bitiwan.
Alam niyang imposible. Pero gusto niyang samantalahin habang nasa loob siya ng kaniyang panaginip. Alam niya kasing kabaliktaran lang ang lahat ng iyon sa totoong pangyayari. Kahit kailan ay hindi na magbabago si Lionzo.
"You should've killed her, Lion."
"I'm still enjoying her company." Tila kinalabit siya ng malalim na boses na iyon, kasabay ng paggapang ng mainit na palad sa kaniyang daliri.
"Enjoying... What the hell. So hintayin ko na lang na makatakas siya ulit?"
"Relax, Rozzwell. You're paranoid again. Hindi na siya makakatakas ulit. I won't let that happen."
"So what if? What if she escapes and exposes your secrets?"
Tumawa ang lalaking may-ari ng malalim na boses, ang lalaking may hawak ng kaniyang kamay. "I've got connections. No one can touch me."
Nakapikit ang mga mata niya pero malinaw sa pandinig niya ang pagtatalo ng dalawang lalaki. Ano ba ang nangyayari? Nananaginip pa rin ba siya? Kanina niya pa naririnig ang mga ito pero hindi niya lubos maintindihan ang pag-uusap ng dalawa.
"Get rid of her, Lion. Please."
"Not yet. I want to keep her a little longer."
"Jesus... She's been with us for weeks now! Dalawang gabi lang ang kaya mo dati, ah?"
"I have other plans for her."
"Plans? What other plan could you possibly have? Aren't you tired of your games yet?"
"Shut up now, Rozzwell! Naririndi na ako."
"I don't really get you. Bakit parang... Oh, s**t!" Hinampas ni Rozz ang mesa sa napagtanto. "Sabihin mo nga, are you falling for her?"
Humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay niya. Hindi pa rin nito namalayang gising na siya. "You think I'm falling? You think I'm that easy to fall? I'm evil, Rozz. And evils don't do love!"
"You sure? Nakalimutan mo yata kung paano ka pinalaki ng parents mo."
Lalong humigpit ang pagkakahawak ng malaking kamay sa kaniya. Mas mariin, at may kasamang gigil. Ramdam niya ang unti-unting pagnginig nito.
"Your parents' love shaped you, Lion. Your heart once knew—"
Biglang bumitaw ang kamay nito at isang nakagugulantang na putok ang tuluyang nagpabukas sa mga mata niya.
Malabo no'ng una hanggang sa unti-unting naging malinaw sa paningin niya ang ayos ng dalawa. Si Lion, may hawak itong baril at nakatutok ang umuusok na dulo no'n sa mukha ni Rozz! Nanlaki ang mga mata niya. May baril ito? Kanina lang ay nakahawak pa ito sa kamay niya, ngayon ay may baril na. Ang bilis naman!
"One more word and your head's off," mariing banta ni Lion sa naninigas na si Rozz.
Bumangon si Belleza pero agad ding napahiga nang maramdaman ang pagkirot ng isang kamay na may suot na swero. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito at sabay pang napalingon sa kaniya.
"You're awake," si Lion na pasimpleng itinago sa drawer ang hawak na baril.
Lumampas dito ang kaniyang tingin at dumiretso kay Rozz. Puno siya ng pag-aalala habang sinusuri ito kung may tama ba ng bala. Nang masigurong wala ay nakahinga siya nang maluwag.
Humarap si Lion sa kaniya kaya nabaling dito ang atensyon niya.
Sobrang linis nitong tingnan, maaliwalas ang itsura sa suot na puting long sleeve polo shirts. Nakatupi ang sleeves hanggang siko at lantad ang makinis, mabalbon at mahigpit nitong bisig. Ngunit ang pinakaumagaw ng kaniyang pansin ay ang suot nitong stethoscope.
'Doctor siya?' gulat niya sa isip.
"Your fever is slowly subsiding," anito habang ang likod ng palad ay marahang nakadampi sa noo niya. "How do you feel now? May masakit ba sa 'yo?"
Mahinahon ang boses nito. Malambing. Nakakapanibago.
Kinuha nito ang isang digital thermometer saka iyon itinapat sa kaniyang noo upang kuhanin ang kaniyang temperatura.
"Hmm, 36.8°C. Nice." Ibinalik naman nito iyon sa ibabaw ng side table saka muling humarap sa kaniya. "Are you thirsty? Do you want something to drink or eat?"
Parang panaginip. Hindi siya makapaniwalang tinatrato siya nito nang ganito kalambing. Puno rin ng pag-iingat ang mahaba nitong daliri na humahaplos sa kaniyang pisngi. Naging banayad ang pakiramdam niya sa ginagawa nito. Naantok siya. Parang gusto niyang matulog ulit.
"Kung panaginip pa rin 'to, sana hindi na ako magising pa," biglang sabi niya. "Mas gusto kong manatili sa panaginip na ito. Iyung walang karahasan, walang p*****n, walang krimen... Mas gusto kong nakikita ka sa ganiyang ayos. Mas gusto ko ang pagiging doctor mo at hindi isang mamamatay-tao."
Hindi ito nakapagsalita at nanatiling nakatitig ang abuhin nitong mga mata.
Ngumiti siya. Ngiting mapait.
"Nalulungkot ako dahil alam kong sa panaginip ko lang mararanasan ang ganito. Dahil sa totoong buhay, puro karahasan at kabastusan ang natatanggap ko mula sa iyo. Puro pagpapahirap." Tinitigan niya nang husto ang mukha ni Lion. "Bagay sa iyo maging doctor. Mukha kang maamo at hindi mukhang halimaw. Alam mo bang sa totoong buhay, ang dami mo nang napatay? Pero dito, isa kang hero, isang Doctor na nanggagamot at tumutulong na madugtungan ang buhay ng isang tao. Sana habang buhay ka na lang maging parte ng panaginip. Sana... Sana ganiyan ka na lang palagi."
"What are you saying?" Nangunot na ang noo nito. Mayamaya ay napatango ito. "Hmm, inaasahan ko na 'to. That is a normal response for patients who have experienced great stress due to sepsis and prolonged unconsciousness lasting five days."
'Ano'ng unconscious ng limang araw? Ibig sabihin ba nito, limang araw na akong nakaratay rito sa higaan?' sa isip niya.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa ibang kwarto siya. Puti ang kulay ng kabuuan, pati na ng mga kurtina na may kaunting desinyo ng bulaklak. Kaya tuloy inakala niyang nananaginip siya.
"Your condition worsened due to severe sepsis, Belleza. The wound infection caused a systemic inflammatory response, leading to septic shock. But after five days of treatment, nakaka-recover din agad ang iyong katawan. Your vital signs have stabilized, and your symptoms are gradually subsiding."
Napakurap siya, habang pinoproseso ang mga sinabi nito.
"Ha?"
Hindi niya gaanong naintindihan dahil maliban sa hindi siya pamilyar sa binanggit nitong sakit ay namangha rin siya sa paraan ng pagpapaliwanag nito. Para talaga itong isang professional na doktor. Ibang-iba sa Lionzo na nakilala niya.
"You didn't take the medication that Rozz gave you, Belleza. Your wound got infected and caused a systemic inflammatory response, na humantong sa septic shock. But don't worry, effective ang itinurok ko sa 'yong gamot."
"H-hindi ito panaginip? T-totoo ka? Doctor ka?!"
Ngumiti ito at marahan na hinaplos ang kaniyang pisngi. Biglang kumirot ang sentido niya kaya tinapik niya ang kamay nito upang humiga ulit. Mariin siyang pumikit at dahan-dahan na tumagilid patalikod dito.
"Belleza..." Kinabig siya nito kaya napatihaya siya.
Bumukas ang mapupula nitong mga labi, may sasabihin dapat ito sa kaniya pero hindi natuloy dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng silid.
"Sir Lionzo, tumawag si Drugo."
"Bakit daw?" si Rozz ang nagtanong na tahimik lang palang nanatili sa gilid.
"May umatake sa warehouse at..." Kita ang takot at pag-aalala sa mukha ng tauhan ni Lion. Nagdadalawang-isip pa itong ituloy ang sasabihin.
"What happened?"
"Pinasabog ng Blackhaven ang warehouse."
Umigting ang panga ni Lion.
"Sir Lionzo, kasalukuyang nasa loob si... Si sir Brook nang sumabog ang warehouse."
Pinanlamigan siya sa narinig.
Si Brook... "H-hindi..."
Tiningnan siya ni Lion at nang makita nito ang pagluha niya ay bigla itong nagmura.
"Prepare our men!" asik nito at tumalikod.
Agad namang sumunod si Rozz pero pinigilan ito ni Lion.
"You stay here! Bantayan mo si Belleza."
"Lion! Hindi kita pwedeng..."
"You heard me, Rozz!"
Hindi na nakaimik si Rozz at hinayaan ang pag-alis nina Lion.
Nang sila na lang ay panay ang sabunot ni Rozz sa sariling buhok habang hindi mapakaling nakatingin sa saradong pinto. Siya naman ay nanatiling tulala.
Inaalala niya si Brook. Sana hindi totoo. Sana hindi ito napano. Sana ligtas ito. Hindi mapakali dahil sa nalaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. Labis-labis ang pag-aalala niya rito. Iniisip pa lang niya na may nangyayaring masama rito ay hindi na niya matanggap.
LUMIPAS ANG MGA ORAS.
Hindi pa rin bumabalik sina Lion. Batid niyang gabi na dahil wala na ang liwanag mula sa labas ng bintana.
Si Rozz naman ay labas-pasok lang sa silid na kinaruroonan niya. Kung hindi sisilip ay hahatdan siya ng pagkain at paiinumin ng gamot. Inaalagaan siya nito nang hindi tumitingin sa kaniyang mga mata at hindi rin nagsasalita. Mistula silang mga pipi at bingi.
Nang lumabas ito ulit ay pumalit naman ang isang matandang babae. 'Yong bago na ini-assign para magsilbi sa kaniya. Pinunasan siya nito, nilinis at saka binihisan.
"8:00pm. Pahinga na ho kayo, ma'am."
Tiningnan niya lang ang katulong hanggang sa matapos na nito ang ginagawa at lumabas na ng silid.
Nanatili siyang nakatingin sa nakasarang pinto. Mahina pa ang katawan niya, nakakalakad pero paisa-isang hakbang lang. Hindi na rin naman na masakit ang sugat sa paa niya. Sadyang hindi lang talaga niya iyon gaanong maigagalaw dahil sa limang araw na pagkakahiga.
Napasinghap siya nang biglang bumukas ang sliding window. Nasa may uluhan niya iyon kaya kinailangan pa niyang bumangon para makita kung sino ang nagbukas, at gano'n na lang ang paggapang ng kaba sa kaniyang dibdib nang makita roon ang isang lalaking balot lahat ng itim na tela. Tanging ang matatalim nitong mga mata ang nakikita. Sa likod nito ay may nakasabit na dalawang mahahabang patalim. Parang... Parang ispada!
Napausog siya sa takot. "S-Sino ka? A-anong kailangan mo?"
Maingat at maliksi itong tumalon papasok ng silid saka humarap sa kaniya. Lalo siyang kinabahan. Panay ang sulyap niya sa pinto habang lihim na nagdadasal na sana ay bumalik na si Rozz.
"S-Sino ka?"
Hindi sumagot ang lalaki at sa halip ay dahan-dahan nitong binunot ang isang ispada mula sa likod. Umirit ang matalim na tunog.
Anong gagawin nito? Papatayin ba siya nito?
Umatras siya sa sulok ng kama, palayo sa lalaki. Nang akma nitong itututok sa kaniya ang hawak na patalim ay saka naman bumukas ang pinto.
"Rozz!" bulalas niya. Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa nang makita ito.
Agad na pinaputukan ni Rozz ang lalaking nakabalot ang mukha.
Mabilis naman na umuko ang lalaki sabay hagis ng isang espada kay Rozz. Nakailag si Rozz ngunit nahagip ang hawak nitong baril. Dumiretso iyon sa dingding at bumaon. Ang kamay naman nito ay nahiwa nang kaunti.
"f**k!" muar ni Rozz at kinuha ang ispada saka hinarap ang lalaking nakaitim.
Binunot naman ng lalaki ang isa pang ispada sa likod nito at hinarap din si Rozz habang iwinasiwas ang hawak.
Maliksi ang galaw nito, matikas ang pangangatawan na nakatago sa ilalim ng itim na tela.
Hindi niya mapigilang mag-alala para kay Rozz. Alam niyang kayang protektahan ni Rozz ang sarili ngunit ang tanong, kaya ba nitong makipagsabayan sa paggamit ng espada? Magkasingtangkad man ang dalawa ay mukhang sanay na humawak ng patalim iyong nakamaskara.
"You're protecting this girl. Mahalaga ba ang bihag na ito sa amo ninyo?" Ang boses ng nakamaskarang lalaki ay mababa, malalim at malamig na kayang magpabaha ng takot sa isang tulad niya.
"I know that voice..." Gigil na itinaas ni Rozz ang ispada sa mukha ng lalaki. Kumikinang pa iyon sa sobrang talim. "Ace of Blackhaven. How did you get in?"
"Surprised?"
Umigting ang panga ni Rozz. "Setting foot in here was a big mistake. I'll make sure you won't be leaving alive!"
"Hmm. Will your head stop me?" Puno ng panunuya ang boses ng lalaki. "If so, I'll cut it off... Kasama ang ulo ng babaeng 'yan."
"T-teka!" Pinandilatan niya ito. "Bakit kasali ako? Bihag lang din ako dito!" Kung kaya niya lang sanang tumakbo ay baka tinakasan na niya ang dalawa habang abala sa pagsasagutan.
Sinulyapan siya ni Ace. "How about... I'll bring you with me?"
Napipilan siya. Nagkatinginan sila ni Rozz, nagbabanta ang mga tingin nito. Lumunok siya bago muling binalingan si Ace.
"Belleza!" May pagbabanta sa boses ni Rozz ngunit hindi niya iyon pinansin.
"I-isasama mo ako?" Does that mean, makakaalis na siya sa lugar na iyon at makakauwi sa ama niya?
"Isasama kita," pagkawika'y mabilis na inatake ni Ace si Rozz.