"Gaano ba kahaba ang neckline na gusto nyo, ma'am Belleza?" magalang na tanong ng designer na nagsusukat sa kaniya. Narito sila ngayon sa isang high-end fashion boutique para magpasukat sa kilalang designer. Nagtagumpay si Belleza. Buong akala niya noong una ay hindi papayag si Lionzo sa gusto niyang mangyaring pagpapakasal pero bigla na lamang itong nag-yes. Tuwang-tuwa pa nga at agad na ipinaasikaso ang lahat ng kakailanganin para sa kasal nila. "Sakto lang," mahina niyang tugon sa babaeng designer. "Sapat na makita ang cleavage. Yung hindi malaswa pero sexy tingnan," dagdag niya. Pangiting tumango ito. Pagkatapos siyang sukatan ay lumabas na agad siya para tawagin si Lionzo. "This is ridiculous! Why marry her, Lion? Women are mere playthings to you. Si può sempre trovare un'altra

