NATULOG lang buong maghapon si Belleza sa kwarto ni Lionzo. Wala siyang ganang bumangon. Mabigat ang pakiramdam niya, sa tuwing pinipilipit niya ang sarili ang nanlalabo ang paningin niya at nahihilo. Ilang araw na nga bang siyang ganoon. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimula ang ganoon, basta nagising na lang siya isang araw na masama ang pakiramdam. Tumunog ang kaniyang tiyan, biglang nangasim. Kumikislot siya sa gutom na nararamdaman kaya naman ay pinilit na niya ang sariling bumangon. Pag-ahon niya mula sa kama ay bahagya siyang gumeywang. Kumapit siya sa bedside table, sapo ang kaniyang noo at pinalipas ang sandaling pag-ikot ng kaniyang paligid. Para siyang malulula. Pati balakang niya ay nangangalay na rin. Humugot siya ng hininga at kinompos ang sarili. Kailangan niyang mag

