"Stripped and Shaking"

1256 Words
"Isa!" sigaw ni Belleza sa nagbabantang tono. Kumuyom nang mahigpit ang isang kamao ni Lion. "You're gonna regret this!" "Dalawa!" "Ma'am Belleza! Umalis ka na!" Bagaman nanghihina ay nakuha pa ring sumigaw ni Ethan. Sinulyapan niya ito na hirap na hirap na sa posisyon nitong bahagyang nakahiga at nakasandal ang ulo sa pader. Ang berdeng pantulog nito ay halos mabalot na ng sariling dugo. "E-Ethan... Tumayo ka. Pakiusap, tayo na. Sumama ka sa akin. Tatakas tayong dalawa!" "M-ma'am, h-hindi ko kaya... Hi-hindi ko na kayang tu-tumayo." Pinigilan niya ang pagbuo ng luha. Nasasaktan siya sa sinapit nito. Kung hindi lang siya nito tinulungan na makatakas ay hindi rin sana ito mapapahamak! Kainis. "Ma'am Belleza... Um-alis ka na. Pa-b-bayaan mo na 'ko. Wala ring silbi k-kahit na isama mo'ko. Mapa-ppahamak lang ang p-pamilya ko k-kapag umalis ako rito." Napakurap siya sa sinabi nito. Nilingon niya si Lion na ngayon ay kampanteng-kampante na sa pwesto na para bang ito pa ang may hawak ng alas. Ngayon lang din niya napagtanto na kahit pala makatakas sila ay tiyak na mahahanap pa rin sila ni Lion. And worse, baka pati pamilya nila ay madamay! Unless, of course, she's willing to kill Lion. Hinigpitan niya ang hawak sa pana at bowstring. "Hindi, Ethan. Hindi mangyayari iyon," paninigurado niya. Muli niyang itinaas ang dulo ng arrow at inasinta si Lion sa pagitan ng mga mata nito. "Kasalanan man ay kailangan kong gawin. Kapag nawala si Lion ay wala na ring tutugis sa atin." Gumalaw ang panga ni Lion nang makita ang pagkadeterminado niya. "Belleza," mariin nitong sambit, para nang mga punyal ang mga tingin nitong ipinupukol sa kaniya, nagbabanta, nagpapaalala. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Nakahanda na ang palaso. Pagbitiw na lang ang kulang at mawawala na ito sa mundo. "You cannot do it." 'Kaya ko... Oo, kaya ko!' saisip niya. Nanuyo ang lalamunan niya sa matinding kaba. Paano kung pumalya siya? Hindi pwede dahil panghuling bala na niya iyon. Kapag nagkamali siya, baka atakihin siya nito at balian ng leeg. Hindi siya takot mamatay ngunit hindi pa siya handa dahil may isang tao pa ang naghihintay sa pagbabalik niya. Paano kung hindi niya nga kayang pumatay? 'Kaya ko nga! Kaya ko!' Huminga siya nang malalim. Nagtama ang paningin nila ni Lion. "Tingin mo hindi ko kaya?" tanong niya sa mapang-uyam na tono. "Kaya ko... Kayang-kaya ko!" "Ma'am!" iyak ni Ethan. Sinikap nitong gumapang palapit sa kaniya. "Si-sinabi k-kong huwag...huwag mong sayangin... B-bakit di ka pa um-alis?! Umalis ka na!" "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kasama! Narinig mo? Kaya sikapin mong makabangon! Si Lion lang naman ang nandito. Wala pang malay ang mga tauhan niya kaya may pagkakataon tayong makatakas." Dadalhin niya si Ethan sa lugar nila. Isasama niya ang kaniyang Tatang at magtatago silang tatlo sa ibang lugar! Lalong lumakas ang loob niya sa naiisip. "Ethan, mabubuhay ka! Huwag mo ring sayangin ang pagbalik ko para iligtas ka! Tayo na! Tumayo ka na diyan!" Bahagya niya itong sinipa para lang kumilos. Buong pagtitiis naman itong gumapang. Naririnig niya pa ang mga daing nito habang ipinipilit na igalaw ang sariling mga braso at binti na parehong may tama ng bala. Biglang gumalaw si Lion kaya muli niyang itinuon dito ang atensyon. "You know I can kill you both... RIGHT NOW." Nangilabot siya sa tono nito. Parang ubos na ubos na talaga ang pasensya nito. Ang mga mata ay puno na ng galit at ang boses na bagaman mababa lang ay tila dumoble ang gigil. "Hindi mo magagawa iyon," matapang naman niyang sagot. "Dahil tiyak na mauunahan kita. At hindi mo pa kayang mamatay, tama? Takot kang mamatay." Kumuwala ang malakas nitong tawa. Tawa na lalong nagpakilabot sa kaniya. "You think I'm scared to die? Haha!" Bahagyang umatras ang isang paa niya matapos nitong ilipat sa kaniya ang dulo ng baril. "How about I shoot you first?" Humigpit ang mga braso niya. "Sige! Magpaunahan tayo!" Tumindi man ang kaba ay pinilit naman niyang magpakatapang sa paningin nito. Nang makita ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Lion ay naibsan ang kaba niya. Ngumisi siya, ngising may kasamang panginginig ng mga labi. "Hindi ka pa handang mamatay. Alam mong kayang-kaya rin kitang asintahin kaya takot ka. Hah!" Binalingan niya si Ethan. "Ethan! Sikapin mong makatayo! Aalis na tayo!" Nanginginig ang mga tuhod ni Ethan at sinikap na tumayo. Ang mga kamay nito ay unti-unting umangat sa laylayan ng suot niya para kumapit. She wanted to help him, but she was afraid of being caught off guard if Lionzo suddenly attacked. Hindi siya pwedeng malingat. "Bitiwan mo ang baril!" sigaw niya kay Lion. Hindi ito kumibo. "Ibababa mo o papatayin kita!" Pero sa halip na matakot at sumunod sa iniutos niya ay bigla na lamang itong nagpaputok. Napaigtad siya. Sandaling tumigil ang kaniyang paghinga. Makaraan lang ang dalawang segundo ay nalamayan niya ang pagdausdos ng kamay ni Ethan mula sa kaniyang damit. "A-anong..." Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumagsak sa paa niya si Ethan. Subsob ang mukha at wala nang buhay. Hindi! Tinamaan ito sa likod. Binaril ito ni Lion! Halimaw! "E-Ethan!" nanginginig niyang tawag, umaasang buhay pa ito. Inabot niya ng kaniyang paa ang braso nito para yugyugin pero hindi na ito gumagalaw. "E-Ethan, pa-pakiusap, gumalaw ka. Sabihin mong b-buhay ka!" Pero wala siyang nakukuhang tugon. Para siyang mabubuwal sa reyalisasyon. Nanghihina siya habang pinagmamasdan ang unti-unting pagbalot ng dugo nito sa sariling suot. "Hindi..." Nanginginig ang boses niya, ang mga mata ay nanlalabong bumaling kay Lion. "Ha-hayop ka! Hayooop!" Punung-puno ng galit ang puso niya at hindi na nagdalawang isip na bitiwan ang palaso. Bumulusok iyon patungo kay Lionzo na buong tapang naman nitong sinalubong ng tingin ang patalim. Hindi man lang ito natakot, ni hindi man lang sinubukan na umilag. PLAK! Awang ang bibig at nanlalaki ang mga mata niya habang sinusundan ang pagbagsak ng palaso... Kasama ang isang maliit na punyal. Ano'ng nangyari? "You know, you could have run." Lumingon siya at nakita si Brook na nakatayo sa likuran niya, may hawak itong maliit na punyal sa kamay. Binato pala nito ang palaso gamit ang isang punyal kaya lumihis. Nanigas siya nang bigla siyang pukulin ni Brook ng punyal. "Huh!" Nahigit niya ang hininga sa gulat. Ramdam na ramdam niya ang hagibis ng pagdaan ng patalim na muntik nang tumama sa kaniyang mukha. Kasunod no'n ang mabilis na paglapit sa kaniya ni Brook. Sa isang kisap-mata ay nasa harapan na niya ito. Ang dating walang buhay nitong mga mata, ngayon ay nagdilim. "Why didn't you run, Belleza?" pabulong nitong tanong. Hindi pa ba malinaw na gusto niyang iligtas si Ethan kaya hindi siya tumuloy? Pero ngayong wala na si Ethan, parang gusto na rin niyang magsisi. Bakit nga ba hindi na lang siya umalis? Bago pa man siya nakapagsalita ay nahigit na siya ni Lionzo sa braso at malakas na itinulak sa pader. Idiniin siya nito roon at mahigpit na pinisil ang kaniyang panga. "Now where's that bravery, huh?" tanong nito sa mapang-uyam na tono. Gigil na gigil ang bawat buka ng mga labi nito at mistulang apoy na tumatama sa mukha niya ang init ng hininga nitong may pinaghalong amoy ng alak at mint. Pilit niyang kinakalas ang kamay nito. "Aghck--" daing niya matapos higpitan ni Lion ang pagkakapisil sa kaniyang mukha. "You're stunning even in tears." Hinalikan nito ang isang butil ng kaniyang luhang bigla na lang tumakas. Pagkatapos ay hinagis siya nito papunta kay Brook. Nasalo naman agad siya ng huli. "Get her to my room, STRIPPED AND SHAKING! Time for that p***y to bleed."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD