"Kill to Protect"

1174 Words
Napayakap sa sarili si Belleza nang manuot ang lamig sa kaniyang balat. Dahan-dahan siyang naglakad at buong tapang na tiniis ang kirot sa namamaga niyang paa. Wala kasi siyang suot na tsinelas. Nakapaa lang naman siya habang nakakulong doon sa kwarto. Sana pala binigyan siya ng sapin sa paa ni Ethan. Natigil siya sa paghakbang nang makarinig ng malakas na putok. Kasunod no'n ang pagpalahaw ng iyak ng isang lalaki. Isang pamilyar na boses... "Ethan!" Mabilis na binalot ng matinding kaba ang dibdib niya habang litong-lito sa gagawin. Tatakbo ba siya? Magtatago o babalikan si Ethan para saklolohan? Tumingin siya sa unahan, kung saan nakikita niya na ang pag-aagaw ng dilim at liwanag. Makakauwi na siya... Pero maaatim niya bang iwan si Ethan? Sino kaya ang nakahuli rito? Imposible namang mga tauhan iyon dahil anito ay bukas pa mawawala ang epekto ng pills na nilagay nito sa inumin ng mga bantay. Posible kayang... Nakauwi na sina Lion? "Diyos ko! Tiyak na papatayin siya ng lalaking iyon! Ano'ng gagawin ko?!" Natataranta siya, nanginginig habang sapo ng isang kamay ang sariling noo, habang hawak sa kabila ang kinuha niyang pana na magsisilbi niyang self-defense. Nahahati ang utak niya. Gusto niya na talagang makauwi at makita ang kaniyang ama pero hindi rin kaya ng konsensya niya na iwan si Ethan. Hindi niya kayang mang-abanduna ng taong walang kalaban-laban. "Kailangan ko siyang tulungan! Isasama ko siya sa pagtakas!" Kung yung tatlong lang na sina Lion, Rozz at Brook ang dumating, kayang-kaya niyang labanan ang mga ito. May tatlong palaso ang pana na dala-dala niya. Sakto sa tatlong lalaking iyon! Kailangan niya lang siguraduhin na hindi siya papalya. Dali-dali siyang bumalik, wala nang pag-aalinlangan. Kahit ilang ulit niya kasing isiksik sa isip na unahin ang sarili at huwag sayangin ang pagkakataong ibinigay sa kaniya na makatakas ay hindi niya pa rin magawang umalis habang naririnig ang miserableng sigaw ni Ethan. "Ethan! Malapit na ako! Ililigtas kita!" Nakita niyang bukas pa ang pinto ng tunnel. Hindi iyon naisara ni Ethan. Siguro ay namalayan nito ang pagdating ng mga bumihag sa kaniya. O baka gusto lang nitong iligaw ang mga iyon para hindi siya masundan? "Ethan!" Lalo siyang nakonsensya. Pagkarating niya sa b****a ng tunnel ay dahan-dahan siyang humakbang papasok. Sinikap niyang hindi makalikha ng anumang ingay lalo na't aalingawngaw agad iyon sa loob. "S-sir, parang awa niyo na... Hu-huwag po..." rinig niyang pagmamakaawa ni Ethan. Ang boses nito ay nanginginig sa takot. Inaaninag niya ito sa malabong sinag ng lamppost, hinahanap at sinusundan ang pinagmumulan ng boses. "Where is she?!" mala-halimaw ang sigaw na iyon ni Lionzo na sumabog sa buong tunnel. Kasunod no'n ay ang miserableng iyak ni Ethan na tila pinahihirapan talaga nang husto. "S-sir Lion... Sir!" "You know how I hate traitors!" Isa na namang putok kasabay ng malakas na sigaw ni Ethan. Para na siyang mabibingi, mabibiyak. Nagsimula na ring magtubig ang mga mata niya. 'Tang... Kayo na ho ang bahala sa akin! Mamang, gabayan niyo po ako. Kailangan kong makalabas nang buhay dito kasama si Ethan! Lord, tulong!' Palapit siya nang palapit sa bahaging mas maliwanag, palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Ilang hakbang pa ay nakita na niya si Ethan. Ang kalunus-lunos nitong sitwasyon at paulit-ulit na pag-torture dito ni Lion ay nagpasiklab ng kaniyang galit. Halimaw! Demonyo! Iyon ang tingin niya kay Lion na pinahihirapan ang nakahandusay sa sahig na si Ethan, duguan at habol ang sariling hininga. "You tell me or I will cut off your legs and arms!" mariing banta ni Lion habang nakatutok kay Ethan ang baril na hawak nito. Sandali niyang sinipat ang paligid, pinakiramdaman niya. Tahimik. Ibig sabihin, mag-isa lang itong bumalik. "S-sir, I don't know—" Biglang nagpaputok ng baril si Lion, na sumugat sa kabilang braso ni Ethan. Halos bumasag sa eardrum niya ang miserableng iyak ng huli. Lupaypay na ito, halos hindi na makagalaw. Pareho nang may tama ang magkabilang braso at binti ng kawawang lalaki. "P-please, sir Lion... T-tama na po..." naghihingalong pakiusap ni Ethan. Halos halikan na ng pobreng lalaki ang sapatos ni Lion para lang kaawaan. Ngunit walang epekto ang mga pagmamakaawa kay Lion. Wala itong pakialam sa buhay ni Ethan o ng kahit na sino. Gigil na itinuon ni Lionzo ang dulo ng baril sa ulo ng kawawang lalaki. At gigil na gigil na rin siya habang pinanonood ang ginagawa nito. "I'm just wasting my time with you. I'll find her myself!" Inilipat nito ang daliri sa gatilyo. Agad siyang kumilos. Bumunot siya ng isang palaso at mabilis na ikinabit sa bowstring saka niya itinutok kay Lionzo. Mahigpit ang pagkakahawak niya dahil sa kaba. Pumikit siya at bumulong sa isip, 'Relax, Belleza. Isipin mo lang na nasa gubat ka at nanghuhuli ng pang-ulam.' Pagdilat niya ay matalim niyang itinutok ang mga mata kay Lion. "Hindi kita hahayaan..." bulong niya at walang pag-aalinlangan na pinakawalan ang palaso. Bago pa man nito nakalabit ang gatilyo ay nauna nang tumama sa hawak nitong baril ang matulis na dulo ng palaso kaya't ang bala ay lumihis at dumiretso sa pader. Gulat itong napalingon sa gawi niya at agad na nangislap ang mga mata nang makita siya. "Belleza, sweetheart!" Kitang-kita niya ang paghigpit ng panga nito habang binibigkas ang pangalan niya. Muli siyang bumunot ng isa pang palaso at ikinabit para itutok dito. "Pakawalan mo siya!" "You..!" Humigpit ang hawak nito sa baril habang parang tigreng nakatitig sa kaniya. "Pakawalan mo siya o papatayin kita!" Inasinta niya ito. Imbes na matakot ay bumunghalit lang ng tawa si Lionzo. "You're trembling like a leaf. How can you possibly shoot--" Pinana niya ito. Natigilan si Lionzo at sandaling nanigas. Muntik nang mahiwa ang tainga nito. Napangisi siya sa gulat na nakikita sa mukha ng lalaki. That was just a warning. Sinadya niyang huwag itong patamaan, hangga't kaya niyang magpigil ay hindi siya papatay dahil hindi naman siya masamang tao tulad nito para manakit ng kapwa. "Ang sunod na palaso ay tatama na sa gitna ng noo mo. Pakawalan mo si Ethan!" Kumuyom ito at mayamaya lang ay nagpakawala ng mala-demonyong ngisi. "You wanna play tough, huh? Cute." Humakbang ito palapit sa kaniya na parang may bakal na dala-dala ang mga paa. "Sige!" banta niya sabay taas ng dulo ng palaso sa mukha nito. Napahinto ito. "Isa pang hakbang at sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan pa!" Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kaniya. "Don't test my patience, little Kitty." "Don't test my patience," panggagaya niya. Bakas na sa gwapong mukha ni Lion ang panggagalaiti. "I'm gonna f**k you hard after this! And I'm gonna let you bleed to death!" Umangat ang sulok ng kaniyang labi habang nakikipagtagisan ng tingin dito. "Not going to happen. Dahil huling oras mo na 'to!" Nawala na lang bigla ang takot niya at napalitan ng tapang at gigil. Pakiramdam niya kasi, kailangan niya iyon para kay Ethan. Kailangan niyang ipagtanggol ito kaya gagawin niya ang lahat upang matalo si Lionzo! Kung kinakailangang pumatay ng halimaw para sa inosente ay gagawin niya. Kill to protect. Papatayin niya si Lionzo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD