"Takas"

1760 Words
"MA'AM BELLEZA! GISING PO!" Madaling-araw ay naalimpungatan siya nang may yumugyog sa kaniya. Madilim ang paligid at hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki pero kilala niya ang boses nito. "Ethan?" "Bangon po. Tutulungan kitang makatakas!" Naglaho bigla ang kaniyang antok at nandilat ang kaniyang mga mata. Ang katawan niyang nanghihina kanina sa pagod ay biglang umigtad dahil sa pag-akyat ng nerbyos sa kaniyang kaugatan. Bumalikwas siya ng bangon. "A-ano'ng sabi mo? Nababaliw ka ba? Mapapahamak ka!" "Huwag po kayong mag-alala, ma'am. May nag-utos ho sa akin. Hindi niya ako hahayaan na mapahamak. Siya ang nasa likod ng pagtulong ko sa inyo. Basta bilisan niyo lang ho habang tulog pa ang mga tao." 'Sino? Sino ang tumutulong sa akin?' "S-sino, Ethan?" "Basta. Tara na, ma'am!" "Sandali! Baka amhili tayo ni Lionzo!" "Wala siya. Umalis si Sir Lionzo kanina, kasama sina sir Rozzwell at sir Brook. Bukas pa ang balik ng mga iyon. Kaya Tara, huwag mong sayangin ang pagkakataon na 'to!" Masama man ang pakiramdam ay sinikap niyang tumayo. Muntik pa siyang matumba Buti na lang at nakaalalay si Ethan. Lumalala na ang pamamaga ng kaniyang sugat. Hindi niya na maitatago pa ang nararamdamang sakit na kumalat sa bawat himaymay niya pero pinilit niya pa ring lumakad. Iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon para tumakas at hindi niya iyon sasayangin! Paglabas ay nakita niyang nakasalampak na ng upo ang dalawang gwardiyang nakabantay sa labas ng silid. Tulog ang mga ito--sinadyang patulugin. "Ano'ng nangyari sa kanila? Buhay pa ba sila?" nag-aalala niyang tanong. Hangga't maaari ay ayaw niyang makakita ng namamatay. "Huwag kayong mag-aalala, nakatulog lang ang mga 'yan. Pinainom ko ng kapeng may sleeping pill." "Ethan! Baka mabuko ka! Paano ka pagkatapos, ha?" Hinawakan nito ang kamay niya. "Hindi ho, basta makipag-cooperate lang kayo. Tara na!" Hinila siya nito at nagpatianod naman siya. Bumaba sila sa matayog na hagdan ng mansion. Dahan-dahan ang mga hakbang niya, paika-ika habang si Ethan naman ay tila natataranta na dahil sa kabagalan niya. "Dito, ma'am!" pabulong nitong sambit pagkarating nila sa ground floor. May nakita siyang dalawa pang tauhan na nakatulog sa sofa, nasa kandungan naman ang armalite na bitbit ng mga ito. Kabado niyang kinalabit si Ethan. "Sigurado ka ba rito, Ethan? Pwede pa tayong bumalik. B-baka kasi magising ang mga 'yan bigla at mahuli tayo. Madadamay ka!" Hinawakan ulit nito ang kamay niya at marahan na pinisil. Wala man lang siyang nakikitang kaba sa mukha nito. "Ayos lang ako, ma'am. Kapag namatay ako, at least alam kong hindi na maghihirap ang pamilya ko." "Ano'ng ibig mong sabihin?" Mapait itong ngumiti. "Kapalit ng buhay ko ay ang isang bilyong halaga, ma'am na ibinigay sa pamilya ko ng taong nag-utos sa akin nito. Mapahamak man ako rito, payapa akong lilisan." "Ethan..." "Kahirapan ang nagtulak sa akin kung bakit ako huminto sa pag-aaral at sumama sa kaibigan ko upang pagsilbihan si sir Lionzo. Malaki kasi ang sahod. Sa sandaling tumuntong ako sa gate ng mansion, alam kong hindi na ako makakalabas nang buhay. Kamatayan lang ang makakapagpalaya sa akin dito, ma'am Belleza. Pero ikaw... Hindi mo naman kagustuhan na makapasok dito, 'di ba? No'ng nabanggit mo sa amin ang iyong Tatang, naalala ko ang mga magulang ko. Naaawa ho ako sa iyo at sa kalagayan ng ama niyo, ma'am Belleza. Kaya..." Muli nitong pinisil ang kamay niya. Dalawang kamay na ang hawak nito ngayon. "Gawin niyo ho lahat para makatakas kayo. Huwag niyong sayangin ang buhay ko sa wala, ma'am Belleza." Mangiyak-ngiyak siyang tumitig sa maamo nitong mukha. Naghahalu-halo ang nararamdaman niyang pagkasabik sa pagtakas at awa, lungkot at takot sa maaring mangyari rito pagkatapos ng gabing iyon. "Sana makaalis ka rin nang buhay rito, Ethan. Para makasama mo ulit ang pamilya mo. Tiyak, miss ka na rin nila." Humakbang siya at niyakap ito bago sila nagpatuloy. Lumiko sila sa isang makitid na pasilyo at huminto sa harap ng isang pader na may nakasabit na malaking salamin. He pressed something, but she had no idea what it was because everything looked like ordinary glass. Hanggang sa biglang bumukas ang salamin. "Hala! Secret door?" "Oo, ma'am." Namangha siya saglit. Ilan pa kaya ang may ganito sa mansion? Pumasok sila sa loob, at nakita niya ang makitid at spiral staircase. "Dito, ma'am!" inalalayan siya nito pababa. Papunta ang hagdan sa isang malawak na basement. Pagbaba nila ay lumantad agad sa kaniya ang iba't ibang klase ng mga armas. "Isang mafia leader si Sir Lionzo, ma'am Belleza. Mapanganib," ani Ethan habang ang mga mata ay nasa mga nakahilerang armas sa salaming mesa. "Minsan pa, kapag inaatake siya ng kaniyang sakit ay bigla-bigla na lang siyang nagwawala at namamaril. Ang kaibigan ko ay napatay niya nang walang kasalanan sa kaniya." "Ano ba ang sakit niya? Bakit hindi siya tinutubuan ng konsensya?" "Nagkaroon siya ng Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) matapos ang m*****r ng kanyang buong pamilya sa mismong harapan niya. Lumala ang kondisyon niya na kalaunan ay nagdulot ng Intermittent Explosive Disorder (IED), isang kondisyon kung saan nagkakaroon siya ng mga yugto ng hindi makontrol na emosyon. Lalo na kapag naaalala niya ang nangyari noon sa kaniyang pamilya, nag-aamok siya bigla. Ang masaklap pa, nagawa niyang magtago sa katauhan ng isang respetadong doktor na nagmamay-ari ng malaking ospital sa Maynila." "Ano'ng ibig mong sabihin? Gumagamit siya ng fake identity para itago ang kanyang tunay na katauhan?" "Isa siyang doktor, Ma'am Belle, na kilala bilang isang magaling at kagalang-galang na doktor. Ginagamit niya ang kanyang propesyon upang itago ang kanyang tunay na pagkatao." "Talaga? I-isa siyang doctor?" "Oo," tugon agad nito na hindi na napansin ang gulat sa kaniyang mukha. "Hindi ko alam kung paano niya nagagawang mag-operate sa kabila ng pagkakaroon niya ng trauma." "Paano mo nalaman ang lahat ng iyan, Ethan? Gaano ka na ba katagal dito?" "Limang taon pa lang ho, Ma'am. Pero naikwento sa akin ni Mang Pablo. Siguro naisip niyang hindi na ako makakalabas nang buhay rito, kaya ibinahagi niya sa akin ang sekreto ni Sir Lionzo. May trauma ho si Sir sa nangyari sa pamilya niya. Sabi ni Mang Pablo ay ginahasa raw at pinatay ang mga miyembro ng pamilya niya sa mismong harapan niya." "Ano?" 'Kaya siguro naging malupit si Lion dahil pala sa nangyari sa pamilya niya,' sa isip niya. "Noong nakaraang dalawang taon, nakaganti siya sa mafia leader na pumaslang sa pamilya niya. Kinidnap at ginahasa niya rin ang anak nito." "Ano?! Bakit niya 'yon ginawa?! Bakit niya dinamay ang anak?!" Nagkibit-balikat si Ethan. "Siguro dahil na rin sa galit. Buong pamilya niya ho ang pinatay sa harap niya, ma'am. Masuwerte lang siya dahil naabutan pa siyang buhay ng mga rescuer. Iyon nga lang, nawalan siya ng buong pamilya." "Pero... Hindi dapat idinadamay ang inosente." "Gaya ng sabi ko, may sakit na siya sa utak. Ginagawa niya ho kung ano'ng nakakapagpasaya sa kaniya." "Nakakapagpasaya? Hindi kaya nakakatuwa ang pumatay! Kasalanan 'yon, eh!" Bigla nitong hinablot ang kamay niya. "Ma'am, ang bagal niyo ho. Bilisan ho natin. Kahit bukas pa mawala ang epekto ng sleeping pill pero baka dumating naman bigla sina sir Lion." Doon lang siya natauhan at muling nakaramdam ng kaba. Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Binilisan niya rin ang mga hakbang kahit hirap na hirap siya sa namamaga niyang paa. Napatingin siya sa nadadaanan nilang mga armas na nasa loob ng parang aquarium. May mga ilaw na nakatapat sa bawat aquarium kaya malinaw na malinaw ang itsura ng mga iyon. "Mga koleksyon niya iyan. Galing sa iba't ibang bansa," wika ni Ethan nang mapansin ang tinitingnan niya. May mga iba-ibang size ng ispada. Meron pang 'yong nakita niya noon sa palabas sa lumang TV ng dati niyang kaklase, blade na lumilipad at umiikot sa ere. Isang uri ng sandata na nagmula sa Japan, na kung tawagin ay shuriken. Karaniwan itong ginagamit ng mga ninja. It comes in various shapes, such as stars or blades with sharp edges, at idinisenyo upang ihagis sa ere. Bukod doon, meron ding maliliit na punyal, may yari sa bakal, mayroong yari sa bato at kahoy. "Ang negosyo ni master ay mga illegal weapons. Gumagawa siya at nagbebenta hindi lang sa ating bansa kundi sa buong Asia at sa iba pang kontinente. Madami siyang mga clients, may mga politics din. Iyong hospital na pinapatakbo nila, pati na ang negosyong shipping line ay front lang nila para takpan ang illegal na gawain nila." "Lalo silang yumayaman dahil sa mga negosyo nila," aniya. Inikot niya ang paningin sa paligid habang nagkukwento si Ethan. Dahan-dahan naman ang hakbang nila patungo sa madilim na parte ng basement. Halos mapuno ng display ang dingding ng bawat nadadaanan nila. Pana! Nangislap ang mga mata niya nang makita ang iba-ibang desinyo ng pana na magkakasunod na nakasabit sa dingding. May kasama pang mga arrow na nakalagay sa quiver na yari sa kahoy. Nagmula ang mga iyon sa iba't ibang parte ng Asia, tulad ng Japan, China at South Korea. Kumuha siya ng isa. Isinabit niya sa balikat ang yari sa katad na lagayan ng mga palaso at binitbit naman ang pana. "Akin na lang 'to." "Marunong ka hong gumamit niyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ethan. Tumango naman siya. "Ayos 'yan. May pang self-defense ka na." 'Self-defense. Oo, tama.' Tumawid sila sa isang tunnel. Sa bawat gilid no'n ay nakasabit ang maliliit na lamppost, sapat lang ang liwanag para makita nila ang daan. Kinakabahan siya, tensyunado. Paano kung sa dulo no'n ay nakaabang pala ang mga tauhan ni Lion? Nag-aalala siya nang husto dahil baka pareho pa silang mapatay ng mga ito. Ayaw niyang mapahamak si Ethan dahil sa kaniya. Kung sino man ang nag-utos dito, sana ay dumating ito at tulungan ang kawawang lalaki. "Dito na lang ho ako, ma'am," pabulong na sabi ni Ethan pagkarating nila sa pinakadulo ng tunnel. "Pagbukas niyo ho ng maliit na pintong iyan ay nasa labas ka na ng property ni Sir Lionzo. Makakatakas ka na ho." Napalunok siya. Tinitigan niya ang maliit at maamong mukha ni Ethan. "Salamat. Hinding-hindi ko ito kalilimutan, Ethan." "Mag-iingat ho kayo, ma'am." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito, katulad niya ay nanlamig din ito. Kahit wala sa itsura ang takot pero ang nerbyos nito ay hindi ikubli. "Mag-ingat ka rin, Ethan. Pakiusap, huwag kang pahuhuli. Utang ko sa iyo ang aking buhay. Pagdating ng araw, magkikita tayo at pasasalamatan kita ulit." Maliit iting ngumiti saka tumango. Hindi na rin siya nag-aksaya pa ng oras at lumabas na. Bumungad sa kaniya ang masukal na kagubatan, madilim na paligid at ang malamig na hangin. Napapikit siya saglit at sinamsam ang masarap na simoy... ang simoy ng kalayaan! 'Sa wakas, makakauwi na ako!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD