Kabanata 39 DAHAN-DAHAN silang inilalayan ni Douglas na bumaba sa kabayo dalawa ni Stanley. Kasabay na nila ang anak dahil nauna na si Eskel. Tumakbo si Stanley papasok sa mansyon at magkahawak kamay silang sumunod. “Mas lalong gumanda ang kamay mo dahil sa singsing na iyong suot,” ani Douglas. Makikita niya rito ang labis na saya ng lalaki. “Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa atin. Talagang tunay na hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa atin sa araw-araw. Hindi ko inakala na magiging ganito ang lahat pag-uwi ko.” “Hindi mo talaga aakalain Angel ngunit amin na itong pinaghandaan lahat.” “Ha?” kumunot ang kanyang noo, “ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya sa lalaki. “Malalaman mo,” kumindat si Douglas sa kanya at pumasok na sila sa loob ng mansyon. Wala

