Kabanata 38 HABANG hinihintay ang iba na dumating ay dinala na muna siya ni Douglas sa likod ng mansyon. Ang buong akala ni Angel ay titingnan lang nila ang mga kabayo at iba pang hayop na malayang nakakalakad at nakakakain ng mga damo ngunit nagulat siya ng mangangabayo pala sila. “Seryoso ka? Baka mangamoy kabayo tayo at isa pa ganito pa talaga ang ating suot?” sinimangutan niya si Douglas. “May ipapakita ako saiyo, sobrang tagal ko na itong pinaghandaan.” “Ang ano?” kumunot ang kanyang mukha. “Basta, huwag ka na munang magtanong maya-maya ay malalaman mo rin when we get there.” “Siguraduhin mo lang na magiging maganda ang ipapakita mo sa akin, ha.” “Tingnan natin, ikaw lang naman ang magdi-desisyon, e.” “Ay sos, tara na nga.” Inilalayan siya ni Douglas na maunang sumakay sa k

