Kabanata 37 ANG KANINA’Y sayang naramdaman ni Angel ay napalitan iyon ng labi na kaba. Tila hindi tumanda ang abuela ngunit may dalawang private nurse nang nakaagapay rito. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakawak ni Douglas sa kanya. Tila ba’y sinasabi ng lalaki na handa siya nitong protektahan kahit ano paman ang mangyari. “Angel, Angel, Angel.” Napalunok siya ng laway nang malditang sambitin ng abuela ang kanyang pangalan. Inilalayan ito ng dalawang nurse pababa na mas lalo nagpakaba sa kanya. “Magandang araw po Lola Veron,” magalang niyang bati rito ngunit hindi ito kumibo. Sinalubong ni Peter ang abuela para umalalay din. Pinisil ni Douglas ang kanyang kamay kaya sa pagkakataong iyon ay napatingin na siya rito. Nakatingin din pala ang lalaki at namumula ang mga mata nito. Tila

