Kabanata 36 KABADONG-KABADO si Angel habang papalapit ng papalapit sila sa mansyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang magiging rekaksyon. Higit sa lahat takot ang namumungay sa kanyang mukha lalo na sa abuela. Hindi rin mawawala sa kanyang isipan si Dominic na alam niyang nag-aalala na ngayon. Nai-text niya na ito at sinabi niya ang totoo sa lalaki. Ayaw niyang magsinungaling rito dahil walang dahilan upang magsinungaling sa mabuting tao. “Are you okay?” tanong ni Douglas. “Parang balisa ang mukha mo? Natatakot ka pa rin ba sa kanila lalo na sa pwedeng gawin nila saiyo?” “Kahit papaano’y tanggap ko ang aking mga pagkakamali Douglas. At hindi ko iyon pwedeng maitanggi at magmalinis. Sa katunayan nga ay ako pa ito ang dapat na humingi ng tawad sa lahat dahil kasalan

