Kabanata 35 MASAYA silang kumakain na para bang naibalik nila ang dating sigla. Kulang nalang ng isa at si Cedrix iyon. Araw-araw ay lage niyang naiisip ang anak kung saan na nga ba ang bata. Malakas ang kutob ni Angel na buhay pa ang anak ngunit ang tanong saan nila ito hahanapin. “Mama, aalis ka ba ngayon?” tanong sa kanya ni Stanley habang nakanguya pa ito ng pagkain. Nilunok muna ni Angel ang kanin bago sinagot ang anak. “Kailangan kong bumalik sa resort dahil naghihintay sa akin ang Tito Dominic mo,” tipid siyang ngumiti at tiningnan si Douglas. Tipid lang din itong ngumiti sa kanya. Mababakas sa mga mata ng lalaki ang selos ngunit nararamdaman niya ang panatag ng loob nito. “Hindi mo ba pupuntahan si Sofie?” tanong niya. Pagkatapos sa nangyari sa kanila siguro kailangan na nilan

