Kabanata 21 AYAW ni Angel na mapahiya siya sa trabaho at pati na kay Dominic. Ayaw niyang dungisan ang tiwala na ibinigay ng lalaki. Unang araw niya ngayon sa pagtrabaho. Ang mga libro na ibigay ni Dominic noong isang gabi ay kanya talaga itong binasa buong araw at magdamag. Mabuti na lamang at mabilis lang iyong naintindihan. “Ang ganda niyo naman, Ma’am Angel.” Lumapit si Manang Teodora, ang pinakamatandang kasambahay ni Dominic sa bahay na ito. “Naku, maraming salamat po, Manang. Kinakabahan nga po ako, e. Baka pangit pa rin ako.” “Hala? Ano bang pangit ang pinagsasbi mo, Ma’am? Ibang-iba ka na ngayon. Noon pa ay maganda ka na ngunit nang magkaroon ng laman ang katawan mo ay mas lalo ka pang gumanda. Bagay nga saiyo ang maging model, e.” “Si Manang Teodora talaga. Binobola niyo

