Kabanata 22 NAGING routine na ni Angel ang bahay at trabaho. Minsan ay ginagawa niya kanyang ehersisyo kasi kailangan iyon upang lumakas pa ang kanyang katawan lalo na ang kanyang puso. Wala siyang naging problema sa kalusugan at the same time ay sa kanyang trabaho. Minsan nawawala ang kanyang pangungulila sa dalawang anak dahil sa sobrang abala sa trabaho. Ngunit, sa tuwing wala siyang trabaho ay hinahanap niya si Cedrix sa mga social media. Gusto niyang magtungo sa ibang lugar ngunit hindi niya alam kung saan. Mukhang malabong nasa Luzon napadpad ang anak. Kung patay na si Cedrix ay malugod iyong tatanggapin ni Angel ngunit sana makita ang katawan ng bata upang mabigyang itong panalangin ng simbahan at mailibing ng maayos. “Iniisip mo ba ang mga bata?” tanong ni Dominic. Wala silang

