Kabanata 26 “ATE!” Tatalikod na sana sila nang marinig ni Angel ang pamilyar na boses ng kanyang kapatid. Napatingin si Angel rito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Junior! Lumabas ito mula sa loob ng kanilang bahay. “Junior!” napaiyak siya at nagmamadaling tumakbo upang yakapin ang binata. “Ang laki mo na.” “Ate, sina Mama at Papa,” malungkot na wika ng kapatid. “Nasaan sina Mama at Papa,” kumunot-noong kumiwala si Angel sa pagkakaykap sa kapatid. “Teka, ang tangad mo na ang laki na ng iyong katawan,” puri niya sa lalaki. “Binatang-binata ka na Junior,” dagdag niyang wika sa kapatid. Ate, wala na kami sa bahay na ito. Matagal na naming iniwan ang bahay natin.” “Ha? Bakit? Saan na sila Mama at Papa? Gusto ko silang makita, Junior.” “Sigurado ka ba ate?” nag-aalangang t

