Kabanata 25 BUMILIS ang t***k ng puso ni Angel nang makita ang anak na si Stanley. Ngayon ay mas humubog pa ang mukha nito at unti-unti nang nawawala ang impluwensya ng banyaga sa katawan ng bata. “Mama!” sigaw ng bata. Tumakbo ito palapit sa kanya at yumakap. Sobrang higpit ang ginawang pagyakap ni Angel kasabay no’n ay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya inakalang makikita niya ang anak sa unang araw palang ng pagdating niya sa Bohol. “Ang tangkad mo na Stanley,” hindi magkandamayaw ang sayang naramdaman ni Angel. “Nabanggit sa akin ni Peter na nandito ka na at nag-text si Daddy na nandito ka. That is why dinala ko ang bata para makita mo, Angel.” May lamig sa boses ni Douglas. Ramdam na ramdam iyon ni Angel sa kanyang puso. Kilalag-kilala niya ang dating kasintahan kung ka

