Kabanata 24 NASA resort na sina Angel at hindi niya mapigilang huwag kabahan. Dalawa sana ang kinuhang room ni Dominic but Angel insisted na isa nalang pero dalawang bed para hindi na magastos pa tutal kasintahan na niya si Dominic. “Where do you want to go? Sa susunod pa na araw ang meeting and meet up with our partners. Hindi pwedeng magmukmok nalang tayo rito sa loob ng resort.” May excitement sa boses ng lalaki. Tila ay masaya pa ito. “Okay lang naman na nandito tayo,” aniya. “Are you sure? Hindi ba natin dadalawin ang pamilya mo?” Napaisip si Angel. Ano ang sasabihin niya kapag nakaharap niya ang pamilya? Lalo na ang kanyang ina. “I know may takot ka diyan sa puso mo Angel... hindi mo maaalis ang takot na iyan kung hindi mo sila haharapin. Nandito lang naman ako at hindi kita pa

