CHAPTER 16

1478 Words
BRIELLA'S POV Nang makalabas ako ng kwarto ng walang pusong si Nyx, itinago ko sa bulsa ng apron ko ang cellphone na ibinigay niya. Ayokong makita ito ng kahit na sino dahil baka pagbintangan pa akong ninakaw ko lang ito. Nagderetso ako sa maid's quarter upang maghilamos at pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko ang ginawa ng lalaking iyon sa de keypad kong cellphone. Nanggagalaiti pa rin ako sa galit. Pagpasok ko sa maid's quarter ay nandoon si Ate Jenny na bahagyang ikinagulat ko. Iniabot niya sa akin ang cellphone niya. "May gustong kumausap sa 'yo," seryosong sabi niya. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko naman kung sino ang nasa kabilang linya. "Ella, anong progress na sa pinapagawa ko sa 'yo?" seryosong tanong sa akin ni Ma'am Callie. Napabuntong hininga ako. "Sa totoo lang po, hindi ko alam kung paano magsisimula." "Nagsisimula ka na, Ella," maarteng sabi naman niya. "Po?" naguguluhan kong tanong. "Nakita ko kayo sa restaurant kanina." "Nagpasama lang po siya sa akin dahil gusto niyang bilhan ng regalo ang kung sino mang babae. Pero matanong ko lang din po, nagkabalikan na ba kayo?" dere-deretsong sabi ko. "Kung nagkabalikan na kami, edi sana ay pinaalis na kita d'yan. Alamin mo kung sino ang kinahuhumalingan niya ngayon. At bilisan mo na ang kilos dahil gusto ko nang masaktan ang lalaking 'yan," iritableng sagot naman sa akin ni Ma'am Callie. Napahinga ako ng malalim. "Sige po." Hindi na nagsalita pa si Ma'am Callie at naputol na rin ang tawag. Walang imik na iniabot ko pabalik kay Ate Jenny ang cellphone niya. Pabagsak akong umupo sa higaan ni Ate Jenny. "Ang hirap no." "Hindi ko na alam, Ate Jenny. Hindi ko alam kung tama pa bang pinasok ko ang ganitong trabaho," iiling iling na sabi ko. "Sa mahihirap na katulad natin, wala na tayong panahon pa para mag-isip kung tama ba ang trabahong pinasok natin. Kasi ang mahalaga sa atin ay ang magkaroon ng sapat na pera para pang-survive sa araw araw. Ganoon talaga ang mundo, masyadong unfair." Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Ma'am Callie kay Senyorito. Napakatigas ng puso niya at wala siyang pakialam sa iba." "Payong kaibigan lang, Ella. Sa pagkakaalam ko kasi ay simula bata pa lang, ganyan na talaga si Senyorito. Pero alam ko may pinanggagalingan siya kung bakit siya gan'yan. Bakit hindi iyon ang alamin mo? Baka sakaling doon mo malaman kung paano mapapalambot ang puso niya," seryosong sabi sa akin ni Ate Jenny. Napatango naman ako dahil may punto naman siya. Baka nga may pinanggagalingan lang si Senyorito kaya ganoon siya kasarado sa ibang tao. "O sige na. May gagawin pa ako. I-check mo rin si Senyorito dahil napakaaga niyang umuwi. Nakakapagtaka dahil hindi naman siya gan'yan." Lumabas na si Ate Jenny kaya ako na lang ang naiwan dito sa maid's quarter. Kinuha ko ang cellphone na bigay ng amo ko at inilagay doon ang number ko dahil baka tumatawag na si Senyorito. Biglang naalala ko na may kailangan pa akong labhan na mga damit ni Senyorito. Hindi ko iyon nagawa kanina dahil bigla nga akong tinawagan ng lalaking iyon. Hindi naman siguro siya magagalit kung bumalik ako sa kwarto niya upang kunin ang mga maruruming damit niya. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya ay kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Muli akong bumalik sa kwarto ni Senyorito. Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Hindi kasi talaga nagla-lock ng pinto ang amo ko dahil iyon daw ang kabilin-bilinan ng mga magulang nito, maliban na lang kapag naliligo o nagbibihis ito. Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga sa kama niya si Senyorito at mukhang natutulog ito. Dumeretso na lamang ako sa banyo niya para kunin ang mga maruruming damit niya. Ngunit nang madaanan ko siya ay napansin kong parang nanginginig ang katawan niya. Balot na balot siya ng kumot ngunit halatang nangangatal siya. "Senyorito, ayos lang ba kayo?" lakas loob kong tanong. Ngunit hindi niya ako sinagot. Kaya hindi ko na natiis na lapitan pa siya. Sinapo ko ang noo niya at doon ko napag-alaman na nilalagnat siya. Sumagi naman sa isip ko ang sinabi ni Ate Jenny kanina na nakakapagtakang umuwi ng maaga ang lalaking ito. May sakit pala siya, kaya pala lagi lang din siyang nakaupo sa mall kanina. "Akalain mong ang yelong katulad mo ay inaapoy din pala ng lagnat," mahinang sabi ko. Ngunit napaatras ako nang biglang nagmulat siya ng mga mata niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. "Kaya nga nakakapagtaka na hindi pa natutunaw ang yelong katulad ko," nanghihinang sabi niya. Napairap naman ako. May gana pa talaga siyang magbiro at himala nga, sa halip na pagalitan ako ay sinang-ayunan pa niya ako. Marahil ay alam din niya sa sarili niya na isa siyang yelong tinubuan ng tao. Medyo malakas ang loob ko ngayon dahil may sakit siya. Masasabi ko ang lahat ng nasa isip ko dahil hindi niya ako malalabanan. "Dadalhin na po kita sa ospital. Mayaman ka naman kaya marami kang pambayad," kaswal na sabi ko. Tatayo na sana ako para tumawag ng taong tutulong sa akin na alalayan si Senyorito ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napakainit ng palad niya kaya bahagya akong napangiwi. "I hate hospitals. Bigyan mo na lang ako ng gamot," seryosong sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. "So, anong ginagawa mo sa ospital no'ng pangalawang pagkikita natin?" hindi ko napigilang itanong. Naalala ko kasi noong isinugod sa ospital si Nanay, nandoon din siya at inasar asar pa niya ako. "Huwag ka nang matanong. Give me some meds," pag-iwas niya sa tanong ko. Tiningnan ko siya ng mabuti. At nang magtagpo ang mga tingin namin ay bigla na lamang siyang nagtalukbong ng kumot. Napailing na lamang ako. Mukhang hindi talaga siya magpapadala sa ospital kaya bumaba na lamang ako sa kusina. Magpapaluto sana ako kay Aling Linda ngunit wala na siya dito. Kaya nagkusa na lamang akong magbuklat ng mga stocks. Mabuti na lamang at may manok pa. Magluluto na lamang ako ng tinola para makahigop ng sabaw si Senyorito. Kaya pala hindi rin siya halos nakakain sa restaurant kanina. Makalipas ang halos kalahating oras ay natapos na ako sa pagluluto. Inihanda ko na ang lahat at saka bumalik sa kwarto ng amo ko. Nakadalawang balik pa ako dahil hindi ko kayang bitbitin ng isahan lang ang mga kailangan ko. Hindi ko alam kung natutulog ba siya dahil nakapikit ang mga mata niya. Binasa ko na lang ang bimpo at maingat na ipinatong iyon sa noo niya. Marahil ay nagulat siya sa lamig ng bimpo dahil nagmulat ulit siya ng mga mata. "Lola?" Naningkit naman ang mga mata ko. "Napakabata ko pa para maging lola mo," sarkastikong sabi ko. "Sorry. Ganito rin ang ginagawa ng lola ko kapag may sakit ako," seryosong sabi niya. Hindi na lamang ako umimik dahil baka kung ano na namang masabi ko. Hindi ko akalain na pati pala ang mayayaman ay gumagamit ng ganitong paraan para mapababa ang lagnat. "Kailangan mong kumain muna para makainom ka ng gamot," imbes ay sabi ko na lamang. Bumangon si Senyorito kaya mabilis ko siyang inalalayan. Sumandal siya sa headboard ng kama niya habang ako ay inayos ang bimpo sa noo niya dahil nalaglag iyon nang bumangon siya. Kinuha ko ang mangkok at inilapit sa kaniya. Tinitigan naman niya iyon kaya napabuntong hininga ako. "Hindi mo ba gusto ang tinola o hindi mo kayang kumain mag-isa?" tanong ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Baka nilagyan mo 'yan ng lason." Mapait naman akong napatawa. "Alam mo, kung gusto kitang ipahamak, kayang kaya ko nang gawin 'yon ngayon kahit hindi ako gumamit ng lason." Sumandok ako ng isang hiwang manok at sabaw. Hinipan ko iyon at saka ko kinain. Napatingin naman siya sa akin. "See?" sabi ko pa. Sumandok ulit ako at hinipan iyon. Nang masiguro kong hindi na mainit 'yon ay inilapit ko ang kutsara sa bibig niya. Kinain naman niya iyon kaya ang ending, sinubuan ko siya upang makakain siya ng ayos. Nang maubos niya ang pagkain ay pinainom ko naman siya ng gamot. Napapailing na nga lang ako dahil para siyang bata na inaalagaan kapag may sakit. Muli kong binasa ang bimpo at inilagay ulit iyon sa noo niya. Tiningnan ko rin ang oras para malaman ko kung anong oras siya susunod na iinom ng gamot. Niligpit ko ang mga pinagkainan niya habang siya ay nakasunod lang ng tingin sa bawat ginagawa ko. "Babalik na lang po ako pagkalipas ng apat na oras para pakainin at painumin ka ulit ng gamot. Pero kung may kailangan ka, tawagan niyo na lang po ako," sabi ko sa kaniya dahil naiilang na ako sa mga tinging ipinupukol niya. "Just stay here," maiksing sabi niya. "Po?" "Just stay here by my side, Briella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD