THIRD POV Naikuyom ni Nyx ang kaniyang kamao dahil sa narinig. Ibababa na sana niya ang tawag nang muling magsalita si Neil sa kabilang linya. "But, Sir Nyx, sa tingin ko po ay napilitan lamang si Ella na sundin si Miss Callie. Nalaman ko rin po na ang nagbayad ng hospital bill ng ina ni Ella ay ang mga Salvador." "I will call you tomorrow, Neil. Thank you." Ibinaba na niya ang tawag. Muli niyang tiningnan si Ella na nakalimang bote na ng beer. Halatang lasing na ito dahil kahit nakaupo ay pagewang gewang na ito. Hindi alam ni Nyx kung anong dapat maramdaman para sa babae. Gusto niyang magalit dahil pinaglalaruan lamang siya nito at ni Callie. Ngunit kapag naaalala niya ang mga ikinuwento ng dalaga sa kaniya, napapalitan iyon ng awa. Knowing Callie, alam niyang gagawin nito ang lahat

