THIRD POV Napahawak sa kaniyang ulo si Nyx habang binabasa ang mga nakalap na impormasyon ni Neil tungkol kay Ella. Hindi nga talaga naging biro ang buhay ni Ella. Habang nag-aaral ito noon ay tumatanggap ito ng kahit na anong trabaho upang makatulong sa kaniyang ina. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makilala ni Ella ang ama dahil bago pa man siya ipanganak ay namatay na ito. Nasa ika-limang buwan ng pagbubuntis noon ang ina nang atakihin sa puso ang ama. Napag-alaman din ni Nyx na si Ella ang top 1 scorer sa scholarship exam ng Green Maze University, at dahil dito ay full sponsorship ang nakuha ng dalaga. Ngunit hindi ito pumasok ng college, imbes ay namasukan ito bilang katulong sa mga Salvador. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi si Ella ang valedictorian ng batch nila, pero nangun

