BRIELLA’S POV Maaga akong bumangon dahil balik na ulit ako sa daily routine ko bilang personal maid ni Senyorito. Kailangan ko siyang lutuan ng almusal niya. Hindi naman ako nahirapang gumising ng maaga dahil ang totoo ay hindi ako masyadong nakatulog. Hindi maalis sa isipan ko ang mga nangyari. Buong akala ko ay maayos na kami ng taong yelo na iyon dahil sa nangyari sa resort. Ngunit nagkamali ako dahil sa halip na mapalapit kami sa isa’t isa ay parang mas lalong lumayo ang loob sa akin ni Senyorito. Nang umuwi nga siya kahapon ay parang hangin lang na dinaanan niya ako. Nagpalit lang siya ng damit at umalis na ulit. Hindi ko na alam kung anong oras siya nakauwi dahil hindi na kami pinayagang makalabas ng maid’s quarter pagkatapos ng alas otso ng gabi. “Good morning, Ella,” nakangiting

