Habang nagbibihis ako sa aking kwarto isang umaga. "Liza.." Nakita ko mula sa salamin na bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniluwal nito si Mama. Napatingin agad ako sa kanya dahil nakita kong may hawak syang isang boquet ng mga bulaklak. Nakangiti na naman sa akin si Mama. "Kahit malayo ang boyfriend mo ay hindi sya nauubusan ng mga surpresa. Pinadeliver pa nya ito para sayo oh." Sabi ni Mama Inabot nya sa akin ang magagandang bulaklak. Napangiti ako lalo ng mabasa ko ang maikling note na nakadikit sa bulaklak. The most beautiful part of waking up, is knowing, that I'm in love with you. Good morning Sweetie! -Brent Lalong lumawak ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak. Ikalawang araw na nya ngayon sa Thailand at hindi sya nauubusan ng mga bagay na i

