Lumipas ang dalawang araw ay hindi pa rin nakakapasok sa opisina si Kath. Wala rin syang text sa H.R department kung bakit hindi sya pumapasok. "Hindi kaya may malubhang sakit na sya?" Biglang sabi ni Carol Kumunot ang noo ko sa kanya. "Hala! Grabe sya oh." Wika ko "Malalaman natin yan kila Cheska. Pumunta kasi sila kagabi sa condo nung bruhilda. Makikibalita tayo." Sabi pa nya Nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Oh baka naman hindi na nakayanan ang pagiging broken hearted nya. Naku girl! Baka nagbigti na yon sa condo nya! Depression is really not a joke." Dagdag pa nya "Carol?" Bulalas ko Masama ang mga biro na sinasabi nya. Ayoko namang mangyari iyon kay Kath. Pero kung totoo man na nagpatiwakal sya dahil sa sama ng loob sa amin ni Brent ay habambuhay ko iyon dadalhin sa

