Habang abala akong nakatutok sa computer ay bigla na lang dumating sa opisina ang sikat na model actress na si Marga Lopez. Lahat kami ay namangha sa kagandahang taglay nito. "Ay grabe naman parang Diyosa!" Banggit ni Carol Sopistikada syang naglakad sa loob ng opisina. May kasama syang dalawang P.A na nakasunod sa kanyang likuran. Agad silang sinalubong ni Kath at mainit na binati si Marga. Si Kath ang head ng marketing department at naririto si Marga Lopez para idiscuss sa kanya ang contract, dahil sya ang napiling endersor ng Razon's Paint ngayong taon. Isang sexy painter ang tema ng magiging commercial nya. "Naku! Binasted lang naman ni Marga si Sir Brent noon!" Bigla na lang sambit ni Carol habang pinagmamasdan namin ang kagandahan ni Marga. Nagulat ako sa mga ibinulgar

